Miss Smiley

11.2K 505 215
                                    

Miss Smiley (one-shot)

Copyright © 2015 by HippityHoppityAzure


---------------------------------------------------------------------------------------------------



SIYA, ang babaeng may pinaka-magandang ngiti sa lahat—ngiti na minsan kong kinainisan; ngiti na humatak sa akin palabas mula sa madilim na mundo ko noon; at ngiti na siya ring nagtulak sa akin upang totoong magmahal.

Ang ngiti niyang iyon... Kailan ko ba ulit iyon makikita?

Ah, hindi. Siya mismo—kailan ko ba ulit siya makikita?

"Sir Mico," sinalubong ako ng assistant kong si Martin pagkalabas ko ng conference room. Magsasalita pa sana siya pero nag-alangan siya bigla, marahil dahil kasalukuyang hindi maipinta ang mukha ko.

"Ano 'yon?" Pinilit kong magsalita nang kalmado kahit ba inis na inis ako ngayon dahil sa katatapos lang na nerve-racking business meeting na inatenan ko.

"Uh, ire-remind ko lang po sana sa inyo ang susunod niyong appointment—"

Itinaas ko ang isang kamay ko kaya hindi na niya tinuloy ang sinasabi niya at tumango na lamang. Alam niya ang ibig sabihin no'n, e, at ayun ay gusto ko muna ng oras na mapag-isa.

Tumalikod na ako at umalis. Mula 12th floor ay bumaba ako sa basement parking gamit ang elevator. Pagkababa ay pinuntahan ko kaagad ang sasakyan ko, pero napahinto ako bago ko pa mabuksan ang pinto sa driver's side nito.

Hindi... Hindi ko na kailangang gumamit ng sasakyan. Ang gusto ko lang naman ay uminom ng kape para pakalmahin ang sarili ko, at malapit lang sa company building na ito ang coffee shop na lagi kong binibilhan ng kape.

Iniwan ko na ang sasakyan ko at naglakad na nga lang papunta sa coffee shop na iyon. Sa labas ay sumabay ako sa paglalakad ng mga tao na hindi ko kilala—mga taong nagtatrabaho sa iba't ibang kumpanya na nakabase sa iba't ibang naglalakihang gusali sa kalsada na ito.

Halos wala sa sarili akong naglalakad, hanggang sa tumigil ako sa isang crossing upang hintayin ang pag-go sign ng pedestrian light.

Buti na lang hindi masyadong mainit ang panahon ngayon. January, e. Buti na lang talaga at hindi ko pinoproblema ang suot-suot ko ngayong long sleeve polo shirt. Hindi pa naman ako sanay sa init.

Biglang umihip ang hangin. Medyo malamig ito. Pero kaysa lamigin ay nakaramdam ng init ang puso ko. Init at sakit. At malamang, iyon ay dahil sa ganito rin ang panahon noon nang magsimula ang istorya naming dalawa—istoryang nagsimula, pitong taon na ang nakararaan.

Seven years ago... Nakakatuwang alalahanin kung paano ko siya balewalain. Nag-i-stand out man siya sa klase dahil sa sobrang pagka-cheerful ng attitude niya ay wala akong pakialam.


"Uy, Mico mamayang uwian, ah?" Malambing na paalala ni Joan habang nakayakap sa braso ko.

"Mm," tumango lang ako nang hindi tumitingin sa kanya. Ayaw ko kasing alisin ang tingin ko mula sa nakaka-relax na view ng bulubundukin na natatanaw mula rito sa rooftop ng school building namin.

"Pshhh, Mico?" Hinatak-hatak ni Joan ang braso ko kaya napatingin na ako sa kanya. Nakasimangot siya, pero agad din siyang ngumiti at inabot ang mukha ko upang bigyan ako ng mapusok na halik sa mga labi ko. Sinagot ko naman iyon.

Miss SmileyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon