[38] Realizations

564K 10.8K 2.7K
                                    

 [38] REALIZATIONS

 

CHLOE'S POV

 

"Nanganak na kasi yung nabuntis niya..."

Para akong sinaksak ng isang libong karayom sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Wayne. Si Dustin? May nabuntis? Kaya ba siya abala nung mga araw na hindi kami masyadong nagkikita? Yun ba yung inaasikaso niya, yung nabuntis niya? Ibig sabihin, talagang nagtago siya ng secret sa akin ng mahigit 9 months?

Wala ring umimik sa amin nina Kent, Brent, Sandy, Lovely at Alex. Malamang, kagaya ko ay nagulat din sila. Kahit nahihirapan akong ibuka ang bibig ko sa sobrang tension na nararamdaman ko ay pilit pa rin akong nagsalita kaso inunahan na ako ni Wayne.

He smiled widely and showed his peace sign on his right hand...

"Pero syempre joke lang yun!!!!" Saka siya pa-cool na naglakad papunta sa direksyon ng west wing car park.

Joke raw yun, Chloe! Isang malaking joke! Alam mo yun, biniro ka lang ni Wayne. Hindi totoong may nabuntis si Dustin. Pinagtripan ka lang niya... Kumalma ka lang, Chloe Chanelle Mendez... He was just kidding and that's not effin' true! 

"G@go talaga yun... Panira yung joke." Narinig  kong sabi ni Alex tapos ay hinawakan niya ako sa balikat ko. "Chloe, are you alright?"

"Ate Chloe, huwag mo ng isipin yung biro niya." Sabi naman ni Lovely.

"Teh', ayos ka lang? Natulala ka na dyan..." Sabi ni Sandy habang winewave yung palm niya sa tapat ng mukha ko. Sa sobrang halo-halong pakiramdam ko ay yumuko na ako at lumunok ng ilang ulit.

That was just a joke, Chloe! Kalma na... 

"WAAAAAAH! Si Ate Chloe, namumutla na." Sandy exclaimed in panic.

"Lagot ! Si Wayne kasi epal." <-Brent.

"Pagkatapos magjoke, tinakasan lang tayo ng loko." <-Kent.

"Hey Ignazio, parang ikaw hindi loko ah." Sandy retorted Kent.

"Maka-Ignazio 'to si Sandy babes! Wag ka, gagamitin mo rin ang apelyido ko 2 years from now. Magiging Mrs. Ignazio ka na...." ;-)

"Like ewwwwwwwwww~" 

"Eww eww ka dyan! 2 years from now, magiging wife na kita. Edi syempre, graduate na ako nun at may stable job na. Tapos, ikaw naman, nasa college ka pa lang. Don't worry Sandy babes, pag-aaralin na kita nun and afterwards, bubuo na tayo ng sariling pamilya. And we're gonna live happily ever after." *u*

"Tigilan mo nga yan si Sandy, Kent." Saway ni Alex. "Ako na mismo magsasalvage sayo. Bwisit ka, manahimik ka. Nakakabugnot ka na..."

"Joke lang..." 

Hindi ko nalang sila pinansin. Hanggang ngayon ay nagpa-process pa rin sa utak ko yung 'Joke' ni Wayne. Argh! That was the worst joke ever! 

"Tara na, miryenda na tayo." Yaya ni Alex pero nananatili pa rin akong nakayuko habang mahigpit na nakahawak sa strap ng shoulder bag ko. Kumukulo ang dugo! Pumipintig-pintig ang sentido ko! Nanginginig ang katawan ko!

"Hey! Akala ko nakasunod na kayo sa akin. Tuloy pa ba tayo?"

The moment I heard Wayne's voice, I raised my head and gave him my deathly stare. Nagtaka naman sa akin si Wayne kaya napakunot-noo siya. *Insert innocent look here* "Chloe, ayos ka lang ba? Mukha ka ng tiger dyan oh."

Lumapit ako sa kanya saka ko marahas na hinila ang collar niya at inilevel ang mukha niya sa akin. Nanlaki naman ang singkit niyang mata sa ginawa ko. "YOU KNOW WHAT MADRIGAL?! I HATE YOU! THAT WAS THE WORST JOKE I'VE EVER HEARD IN MY 20 YEARS OF EXISTENCE!!!! DON'T EVER SHOW THIS FACE TO ME AGAIN OR ELSE I'M GONNA WRING YOUR NECK...!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon