Chapter Nine-A

82.4K 2.1K 90
                                    

Chapter Nine-A

"Work." Iyon ang tanging sagot niya sa tingin na ipinupukol sa kanya ni Warren, pag-uwi kasi nila ay inayos muna nila ang mga pinamili nila. Ang weird lang kasi parang kaninang umaga lang ay kinasal sila, tapos kanina ay halos binili nila ang buong mall at ng umuwi sila ay nilinis nila ang buong bahay nila at dahil sa pagod ay pareho silang nakatulog.

Nauna siyang magising ng marinig niya ang pagring ng kanyang cellphone, she's really tired to move pero kailangan niyang sagutin ang telepono niya. It's her head manager at pinapareport siya sa trabaho. Dalawang araw na rin kasi siyang hindi pumapasok sa trabaho.

"Nag-absent na ako ng dalawang araw hindi na pwede ngayon." Aniya dito.

"We are newly weds."

"And so?"

Bumuntong-hininga ito halatang nainis sa sagot niya, paraan din niya ito para hindi matuloy ang nakapending na plano nito sa knaya. It's not that she doesn't like the thought natatakot lang siguro siya at nahihiya na rin. Siya kasi ang klase ng tao ng magaling lang sa salita pero kapag sa gawa na ay baka mas tuod pa siya sa pinakamatigas na bagay sa mundo. She doesn't want him to hate her because of her frigidness.

"By the way bukas pa ako ng alas sais ng umaga makakauwi, eleven to six in the morning ang shift ko ngayon."

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Anong klase ng trabaho ang trabahong iyan? Wala ka bang alam na trabaho na pang-umaga?" umiling siya.

"Dito na ako nasanay kaya dito na ako forever." Sabi nalnag niya upang hindi na humaba ang kanilang usapan. She's running late already kaya ayaw na niyang gatungan ang galit nito. And it seems like he's really frustrated about something na hindi naman niya maintindihan kung ano.

"No!" matigas na tanggi nito at saka tumayo sa may pintuan. "Hindi ako makakapayag na pupunta ka sa trabaho mo."

"Don't be silly Warren I need to go to my work."

"Magkano ba ang sweldo mo at dodoblehin ko?" tila may kumagat sa teynga niya ng marinig niya ang sinabi nito. Pakiramdam kasi niya ay may hindi tama doon.

"At anong trabaho ang ibibigay mo sa akin aber?" she asked controlling her anger.

"As my wife."

Tumaas ang kilay niya sa sagot nito. "Seriously Warren naisip mo talaga iyan sa oras na ito? You already bought me to be your wife tapos sasahuran mo pa akong maging asawa mo? Anong akala mo sa akin stupid?"

Tumaas na rin ng ilang decibel ang boses niya, she's practically shouting right now. Hindi talaga niya maisip na nasasabi nito sa kanya ang mga bagay na iyon.

"I know you aren't stupid but I don't want you to work anymore. You are already my wife and as your husband it's my obligation to support your needs. Magkano ba ang sweldo mo sa isang buwan at kaya kong triplehin iyan."

She bit her lower lips when she saw how determined he is, kung sa ibang babae siguro sasaya sila sa offer na iyon. Magiging asawa tapos may sweldo pa? Pero hindi siya, she's not like that. She's far from that, oo at nabili siya nito sa ilang milyon sa pamamagitan ng lupa at bahay na kailangan niya pero hanggang doon lang iyon. Binabayaran naman niya iyon ah, she paid it with her freedom. And her freedom will always be priceless and it's too much for her to give up pero nagawa niya dahil sa napakaimportanteng bagay na ayaw niyang mawala sa kanya.

"Obligasyon mo rin bilang asawa na intindihin ako-."

"Wala tayong usapan na iintindihin kita call me selfish Diana Rose pero wala tayong kasunduan. The moment I bought you, you didn't asked me anything or everything. Ang buong pagkatao mo ang binili ko and now I will decide what's the best for you."

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon