29. HateLoveHope

5.4K 105 20
                                    

29. HateLoveHope

Play the song 'till the end of the chapter...

Myka

 

Hindi ko na kaya.. lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko mapigilang mapahagulgul. I envy everything with Syndi! The way Ryan look at her with warmth and concern, the way he smile and laugh with he’s with her, the way he.. ahhh!! Ayoko na! Suko na ako…

Napahawak ako sa pendant ng necklace ko. Ito ang kwentas na ibinigay saken ni Ryan. Peru bakit niya ako binigyan ng ganito? Bakit Ryan? Bakit patuloy mo pa rin akong pinapaasa?

“B-bakit Ryan?!”

“Myka?”

Boses ni Ryan.

“Ryan?!”

Peru dagli ding nawala ang asam ng makita ko na si Rain pala iyun. Siguro nga, busy yun kay Syndi. Ha, umasa ka pa Myka… ginagawa mo lang tanga ang sarili mo. Ngumiti ako ng mapakla.

“Anong ginagawa mo dito?” umayos ako ng upo sa bench.

“Are you okay?”

“You want an honest answer?” tinignan ko siya sa mata “Nope! I’m dying…” hindi ko na naman mapigilang maluha. Bakit ba sa tuwing naiisip ko si Ryan nasasaktan ako ng sobra.

“May maitutulong ba ako?”

“Leave me alone”

“You know you can tell me everything” umupo ito sa tabi ko “Makikinig ako”

“Rain ano bang ginagawa mo dito? Dapat nandoon ka sa loob kasama si Syndi.” Baka pagbalik mo nakuha na siya ni Ryan “Iwanan mo nalang ako dito mag-isa, I can handle myself”

“You know you can’t”

“Ano bang pakialam mo ha?!”

Bakit ba ako pinapakialaman ng isang ito?!

“Kaibigan ka ni Syndi.. and, I’m your friend too”

Kaibigan? Ha! I’ve never been a goodfriend to her! Kaya tama lang ng lumayo ako sa kanya. I’m not worthy to be her friend; not worthy dahil kaya kong mag-isip ng masama pa tungkol sa kanya. Kaya di ako karapat-dapat…

“I suck up!” may luha na namang tumulo sa mga mata ko “I’ve ruined everything… d-dahil sa pagmamahal ko sa kambal mo Rain.. mahal na mahal ko si Ryan, but he doesn’t love me? Hindi niya ako gusto, dahil..dahil mahal niya si Syndi” napahagulgul ako ng iyak.

“W-What? May gusto si Ryan kay Syndi?”

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon