Forty Nine

238K 2.4K 1K
                                    

Adam's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng walang galos ang katawan ko o ang sasakyan ko. Halos paliparin ko iyon pauwi. Pero ang puso ko, punong puno ng sugat.

Mali pala. Wala na pala akong puso, kasi pinatay na niya.

Ang sabi nila ako ang manloloko. Ako ang playboy. Sabi pa nga, Adam Jacob Castrences, the number one heartbreaker in town.

KALOKOHAN!

Tao lang ako. Marunong din akong magmahal kaya naman nasasaktan ako ng ganito ngayon. Tao din ako na kayang lokohin. Pero bakit kailangang ganito?

Pano mo masasabing ako ang manloloko kung ilang beses na din naman akong niloko?

Si Scarlett. Minahal ko siya ng sobra sobra pero iniwan niya ako dahil sa ibang lalaki. Sabi niya, kinailangan daw niyang lumayo dahil nagbuntis siya? Bullsh*t naman yon!

Kung totoo man yun, I said sorry for that.

At ngayon, si Arkisha, ang buhay ko. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, niloko din ako.

Ang masakit nito, si Brent pa talaga! Oo, aaminin ko binigyan ko na noon ng meaning nang makita ko sila. Nagsorry naman ako diba? Pero tama nga pala ang hinala ko. I should've listened to my instincts.

Para nasiraan lang ng konti yung mga kaibigan niya, sinamantala na nila ang pagkakataon?!

DAMN!

Naihagis ko sa pader ang bote ng alak na hawak ko.

*tok tok tok*

"Adam, open this door! Ano bang ginagawa mo dyan?"

Boses ni Venice yun. Sunod sunod pa din ang katok niya.

"Adam, ano ba?! OPEN THIS DOOR!!"

Bakit? Kapag binuksan ko ba ang pintong yan, mawawala ba ang lahat ng sakit na nararamdaman ko??

Hindi ako gumagalaw sa kinauupuan ko. Nakaupo ako sa sahig, nakasandal sa kama sa loob ng kwarto ko. Nagbukas ulit ako ng isa pang bote ng alak. Nagkalat pa nga sa sahig ang mga bubog ng bote na inihagis ko kanina.

Nawala na ang ingay sa labas ng kwarto ko. Mabuti naman tumigil na siya sa pangungulet. Pero nagulat ako nang narinig ko na nagbukas ang pinto at tumakbo sa akin si Venice.

"ADAM! ANONG GINAGAWA MO?"

Drinking myself to death. Sagot ko sa sarili ko. Parang mali yun, kasi nga patay na ako diba? Kanina lang.

Hindi ko siya tinitingnan. Sunod sunod lang ang inom ko.

"Yaya! Pakibuksan nga ang ilaw", utos niya. "And please clean this mess."

Hinawakan niya ako sa braso.

"Adam, ano bang nangyayari sayo?!"

"Leave. Me. Alone." sagot ko.

"You are not yourself! Itigil mo nga ang pag-inom!"

"I SAID LEAVE ME ALONE!!" sigaw ko sa kanya.

"Adam, andito ako. You can talk to me. Diba ako ang kakampi mo?" sabi niya habang pilit na inaangat ang mukha ko na nakatungo.

"Sarili ko lang ang kakampi ko. Sarili ko lang ang pwede kong pagkatiwalaan", sagot ko at tumingin ako sa kanya.

"Adam.. You know that's not true. Andito ako. Ako ang ate mo diba? Since we were kids saken ka na nagkekwento. Ano bang nangyayari?"

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon