C8: Ballad of Death.

174K 2.9K 438
                                    

 

"To remember is... to regret."

--------------------------------------------x

KATHERINE'S POV


MAS lalong natahimik ang buong klase sa pag-alis ni Spade. Hindi ko alam kung bakit pero parang may mali sa bagong estudyante na iyon. May kakaiba akong nararamdamang kaba sa kanya. Bumuntong hininga si Ms. Maeganne at para bang nag-ipon muna siya ng lakas ng loob upang muling magsalita. Panigurado, nainis siya sa inasal ni Spade, sino ba naman ang hindi?

"Sige, kailangan ko na ring umalis. Tandaan nyo lang ang mga babala ko, mag-ingat tayong lahat." Ang huli niyang sinabi bago niya tuluyang lisanin ang kwarto. Napa-buntong hininga rin ako. Minsan, naisip ko rin na lumipat ng eskwelahan pero hindi maari. Kung pwede lang sana, matagal na kong umalis rito. Isang malaking hawla ang Laketon Academy para sa karamihan. Isang nakakatakot na hawla na punong-puno ng mga hindi maipaliwanag na nilalang.

Kung saan man nila nilagay, sinunog o binaon ang mga kahong natanggap namin pati na rin ang ulo ni Celina ay hindi ko na rin alam. Masyadong mabilis ang mga panyayari. Naniniwala akong si Hanako lang ang may pakana ng lahat ng ito. Base sa mga narinig ko sa kanya bago kami magbakasyon noong 1st year pa lamang kami... sigurado akong siya... siya ang may gusto ng lahat ng nanyayari ngayon.

 ****

"H-Hanako?" pumasok ako sa loob ng classroom. Batid ko na si Hanako ang palaging nasa loob ng classroom kapag uwian na. Tinignan ko ang suot kong puting relo, 6:05 pm. Tuwing 7:00 pm sinasarado ng mga guwardiya ang mga classrooms kaya marami pa akong oras para kuhanin ang mga naiwan kong mga libro.

Tinignan ko si Hanako na nakaupo sa isang sulok ng classroom. Nakayakap siya sa mga tuhod niya habang nasa tabi niya ang bag niya. Tumingin siya sa akin, tingin na para bang isa siyang nawawalang tuta na walang mapupuntahan sa gitna ng malakas na ulan. Natatakot man akong lumapit sa kanya ngunit hindi ko napigilan ang mga paa ko. Nakakaawa talaga siya. Kung makikita ako ni Sapphire ngayon, siguradong kanina pa niya ako sinigawan.

"W-Wag kang lumapit." Mahina niyang sinabi na naging dahilan ng pagtigil ko sa paghakbang. "Nakita mo na rin diba? Alam mo na diba?" tumingala siya sa akin habang tuloy tuloy ang pag-iyak at paghikbi niya sa pagitan ng mga sinasambit niyang mga salita. "Huhusgahan mo rin ba ako? Ganun ka rin naman diba Katherine?" Umiling ako at sinubukan kong lumapit pa sa kanya ngunit siya naman ang lumayo sa pamamagitan ng pag-usog habang nakaupo. "Ayoko sa inyo. Mga demonyo kayong lahat! B-Bakit ba ganito kayo sa akin?!" Sa pagtayo niya ay kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya... ngayon ko lang nakita si Hanako na ganito. "Tandaan nyo lahat ng ito... sa huli, kayo rin ang iiyak, manlilimos ng awa at hihingi ng patawad sa akin!" Pasigaw niyang sinabi sa akin kasabay ng pagkuha niya sa gamit niya at pagtakbo palabas ng classroom.

Nang umalis na siya ay napako ang tingin ko sa isang bakal na naiwan sa kinauupuan niya. Agad akong yumuko upang kuhanin ito. Isang krus na bakal. Medyo...  mainit pa ito ngunit kaya namang tagalan ng mga kamay ko ang init. Kinuha ko ito at lumapit sa upuan ko upang kuhanin ko rin ang mga naiwan kong mga libro. Tumakbo ako palabas upang habulin si Hanako at ibigay sa kanya ang krus na bakal niya ngunit sa pagbaba ko ng hagdanan... nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan ko.

Impossible. Bakit niya kasama si Hanako?

****

"Hoy Katherine!" bumalik ako sa realidad nang narinig ko ang sigaw ni Sapphire.  Nakapameywang siya sa harapan ko. Napatayo naman ako kaagad. "P-Pasensiya na Sapphire, lumipad lang ang isipan ko." Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti. "May isip ka pala Katherine." Nagtawanan sila. Nakisali rin ako sa sa tawanan. "You're no fun Katherine. Aalis kami, wag kang susunod. Okay?" Ngumiti ako at tsaka tumango. Hindi ko alam kung bakit kapag si Sapphire ang nagsasabi sa akin ng mga ganyan ay hindi ako nasasaktan o kahit nagagalit man lang. Siguro dahil kilala ko na talaga siya. Alam kong hindi niya layunin na ipahiya ako, ganun lang talaga siya.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon