ALL - Thirty Seven

10.5K 466 111
                                    

Ilang beses kong ulit na tinawagan si Gavin pero 'di niya ito sinasagot. I want to confront him about the shit he pulled out during that interview. What the fuck was he thinking? Darn it.

I kept on walking around my room and can't think of the right thing to do.

I almost jumped when my phone rang. I saw Deign's name on the screen so I immediately answered it, quietly hoping that he hasn't heard anything from anyone.

"Deign?"

"Good morning to the most beautiful girl I've ever seen," he said in his bedroom voice. It seems like he just woke up.

No matter how I think of his greeting, I can't get giddy about it because of the frustration that Gavin brought me.

"Good morning, baby. Did you eat breakfast na?" I tried to sound fine and a bit sweet.

I wasn't sure but I would still bet that he's smiling right now. "Hindi pa eh. 'Di pa 'ko bumabangon. Ikaw?"

"'Di pa rin. I am still not hungry."

"Hmm. Nakahiga ka pa?"

Naupo ako sandali at nararamdaman ko ang kaunting pagkalma ng katawan ko. "Nope. Pero 'di pa ako lumalabas ng kwarto. Katamad pa eh."

"How I wish I can hug you right now." He chuckled. There's really something with his chuckle that can automatically stomp my heart. "And kiss your cute lips."

Bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi. "Deign," I warned.

"What? That could really start my day perfectly."

He continued with his tempting sweet remarks until I felt my stomach aching for food.

Matapos akong kumain, naligo na ako at nag-ayos ng gamit na dadalhin. May kumatok sa pinto at tinignan ko kung sino iyon. Nakita ko naman si Kuya na halatang inaantok pa. Pumasok siya sa kwarto at tinignan ang mga gamit ko.

"Let me remind you na two days lang kayo do'n. Bakit ang dami mong dala?" Reklamo niya habang nilalabas sa bag ko ang ilang gamit na inayos ko. Ka-stress!

"Kuya naman, inayos ko na 'yan eh!"

He glared at me. "Magpapaalam kayo, hindi magtatanan, Gianina."

Naupo ako sa tabi niya at inakap ang braso niya. "Kuya. Hindi naman talaga eh. We know our limitations."

"Dapat lang. Gusto mo ba ihatid ko kayo 'don?" I smiled. Napaka-protective talaga ng Kuya ko. Minsan nakakaasar pero alam ko namang mahal niya lang ako eh. He loves me that much. Lumabas din siya nang tawagin siya ng asawa niya.

'Di nagtagal ay may nag-doorbell. Panigurado ay si Deign na iyon. Mabilisan kong ibinalik ang mga damit na inilabas ni Kuya sa bag ko.

Pagkababa ko naman ay naabutan ko silang nag-uusap sa sala. Naka-ilang ulit si Kuya na iingatan ako ni Deign at sisiguraduhin daw niya na kanila Papa ang diretso namin at hindi sa kung saan. Si Phillip naman ay tulad ni Ace na nagpaalala ng pasalubong. Si Ate Alex naman ay inasikaso ang ilang gamit na ipapadala sa mga magulang namin.

Sumakay na kami sa van nila. Hindi si Deign ang magmamaneho dahil mahaba masiyado ang biyahe.

Magkatabi kami at nanunuod ng movie sa iPad niya. He's the usual him kaya I guess hindi pa niya alam ang pinaggagagawa ni Gavin.

My phone beeped and when I checked it I saw Gavin's message.

From: Gavin
I missed your calls, sorry babe. What's up?

I mentally rolled my eyes. Seriously, Gav? Mabilis at madiin ang bawat tap ko sa screen dahil sa inis ko sa kaniya at nang ma-reply-an ko na siya ay mukhang napansin iyon ng katabi ko.

A Levelheaded LassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon