Tip 21: Guards Down

12.2K 209 42
                                    





"Seryoso ka ba? You buy these much sweets and junk food?" disgusted na untag ni Chase kay Jasmin na ang tinutukoy ay ang mga chips at chocolates na inilalagay ni Jasmin sa cart nila.



Pagkatapos nilang kumain ng brunch sa isang mamahaling restaurant ay napagpasyahan ng dalawa na magliwaliw nalang muna dahil hindi rin naman na sila makakapasok pa sa kanya-kanyang subjects nila. Tinanghali na kasi ng gising si Jasmin dahil napuyat ito ng husto kagabi at halos lahat ng subjects nila ay umaga kaya wala na ding silbi kung papasok pa sila. Ikaw ba naman ang malasing at paligayahin ng lalaking mahal mo, tingnan ko lang kung 'di ka pa mapuyat.



Sa kung anong dahilan, they ended up buying groceries dahil wala naman palang pagkain sa pad ni Chase. Ipinahatid na lamang ni Chase kay Sebastian, ang family driver ng mga Guevara sa unit niya ang maleta at iilang gamit ni Jas dahil naiwan nila ang mga ito sa mansyon sa sobrang pagmamadali kanina. Kamuntik pa ngang pasukin ni Chase si Jas sa loob ng banyo dahil inakala niyang baka nilunod na naman nito ang sarili sa tagal nitong maligo. Sino ba naman kasing babae ang makakapagligo ng ten minutes lang?





Hindi naman talaga mahilig mag-grocery si Chase. Puro take out lang ang kinakain niya. Isa pa, hindi naman siya madalas umuuwi sa pad niya. Ang makikita lang sa refrigerator niya ay mga bote ng beer at tira-tirang pagkain.



Ngunit nang malaman ng lalaki na darating pala ang mga magulang niya galing sa isang business trip kaninang umaga ay napagpasyahan niyang sa pad nalang muna niya sila tutuloy at naalalang wala na nga pala siyang stocks doon. Ayaw naman niyang gutumin at pakainin lang si Jasmin ng mga tira-tirang take out lang.







"Love, look at all these! Gummy bears, chocolate-covered raisins, chips, lollipops, jawbreakers... these are not healthy at all!" inisa-isang kinuha ni Chase ang mga nilalagay ni Jasmin sa cart nila at ibinalik sa shelves saka kumuha ng biscuits at pinalit sa mga iyon. "You should not eat these—"




"Oh, M&M! Matagal-tagal ko na ding hindi nakakakain nito! Who would have thought that being with a player would tingle the senses so? Ang sarap talaga sa pakiramdam 'pag alam mong libre!" pang-aasar ni Jasmin na binalewala lang ang litanya ni Chase. Ang laki ng ngiti ng babae habang iritadong-iratado naman na nagtutulak si Chase ng cart nila.



Kanina pa sila ganito. Halos lahat ng kinuha ni Jasmin na mga chocolates at chips ay pinapalitan niya ng kung hindi gulay at prutas ay biscuits naman. Hindi naman daw kasi siya pwedeng tumingin lang kay Jas na namimili ng unhealthy foods.





If they hadn't already been receiving stares, they would have been receiving them now. Many of the patrons and cashiers were whispering amongst themselves, some found their 'little' argument cute and sweet. One teenager said very loudly to her friend, "Tingnan mo sila. Ang cute nilang tingnan mag-asawa. Siguro bagong kasal lang sila."



Napagkamalan pa ang dalawa na mag-asawa! Sino ba naman ang hindi, eh, parang buntot lang ni Jasmin si Chase na sumusunod lang sa likuran nito. Parang ayaw pa niya itong lubayan ng tingin habang nagbibigay ng mga komento.





Turning to Chase, Jas asked the seemingly innocent question, "Bakit ba? Akala ko ba ang sabi mo, bibilhin ko ang lahat ng gusto ko? Nagbago na ba ang isip mo? Hindi mo na ba ako mahal?"



Malungkot na malungkot ang hitsura at nagtutubig pa ang mga mata nito na para bang napakasama niyang tao dahil mas gusto niya ang pakainin ito ng healthy foods kaysa sa matatamis na bagay. Napapikit at napahimas na lamang si Chase sa kanyang noo in frustration. Tama bang gamitin nito ang pag-ibig niya laban sa kanya? This woman was really killing him.





War with a Tease ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon