Fifty ♥ - Part-Time

4.6K 58 11
                                    

HAPPY 15K READS!

FIFTY CHAPTERS NA TAYO! :)))

CONGRATS! :D =))))))

--

RACHELLE'SPOV

"Hiyang hiya na ko. Sorry mahal ko." -Viniel

Tinago niya yung ulo niya sa may leeg ko habang nakayakap pa rin. Biglang may naramdaman akong pumapatak na basa sa leeg ko. UMIIYAK BA ITO!?

Dahan dahan ko muna siyang tinanggal sa pagkayakap at hinawakan ang balikat niya.

"Viniel, ok ka lang?" -Ako

Pinunsan niya yung mga luha niya.

"Hindi. Napakagago ko eh. Malaki ang pagkukulang ko sayo. Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Promise ko sayo, hindi na ako magiging gago. Hindi na kita huhusgahan, mamahalin at proprotek--" -Viniel

"Teka teka. So nagbreak tayo non?" -Ako

"H-Ha? Hindi ba tayo nagbreak?" -Viniel

"Kaya ko nga tinatanong sayo eh." -Ako

"Hindi ako nakipagbreak. Parang lang. Patawarin mo ko Shay ha. Ang sakit kong magsalita. Napakagago ko." -Viniel

Nag angry smile ako. Parang kunwari naiinis pero nakasmile.

"Drama mo. Kalalaki mong tao, iyak iyak ka diyan. Pasok ka nga!" -Ako

Tapos pinunasan ko yung mga luha niya.

"Eh syempre, ganto ako magmahal eh." -Viniel

Pinapasok ko siya.

"Kanina lang, sabi mo kahit wag na ko bumalik ngayon, ikaw pa pumunta dito ah." -Ako

"Sorry. Alam mo bang, konsensyang konsensya ako kanina kung ba't ko ba nasabi yon. Di ako makatulog kaya pinuntahan kita dito." -Viniel

"Paano mo nalaman dito ako nakacheck in?" -Ako

"Pinuntahan ko si Colette." -Viniel

Napadura ako sa iniinom ko.

"Gago ka nga talaga. Ginising mo yon ng gantong oras!? Buti naman di ka pumunta dito ng may mga pasa. Nakow!" -Ako

"Hahahaha. Eh syempre para sayo eh. Oo nga pala, di ka pa ba matutulog? May pasok bukas ah." -Viniel

"Yon na nga eh. Hindi muna ko papasok kasi maghahanap ako ng part time job." -Ako

"ANO!? PART TIME JOB? Para saan?" -Viniel

"Para.....may pera naman ako. Yung mismong ako ang nagraraos. Hindi yung asa na lang ako ng asa kina Tito, nakakahiya." -Ako

Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Umuwi ka na." -Viniel

Nagbuntong hininga ako tapos tinanggal yung kamay ko sa hawak niya.

"Sorry Viniel pero.....di pa ngayon." -Ako

"Bakit? Yon pa rin ba ang rason?" -Viniel

"Hindi yon pero--" -Ako

"Pero ano? Di mo na ba talaga ako mahal? Alam mo Shay, ito na yung pagkakataon mo na magtapat. Hindi mo na yata ako mahal. Masakit man pero mas ok ng umamin. Ayoko na kasing pinaglalaruan ako. Pls Shay gusto kong maging honest ka." -Viniel

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon