Kabanata 40

1.5M 43.2K 23.9K
                                    

Kabanata 40

Balik Maynila

Wala akong maalala. Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos akong ipagtabuyan ni Jacob sa harap ng lahat. Buti at kasama ko si Maggie, nakauwi pa kami ng maayos. Sa totoo lang di ko talaga naalala kung paano kami umalis sa bahay nina Jacob. Tulala ako all the way...

"Uh, Auntie, sumakit po kasi tiyan ko. Kumain naman kami at binigay ni Rosie yung regalo niya pero nagmadali po kaming umalis." Paliwanag ni Maggie kay Auntie Precy nang narealize na maaga kaming umuwi.

Nang nasa kwarto na kaming dalawa ni Maggie, dun ko lang naibuhos ang sama ng loob ko. Umiyak ako nang umiyak. Hindi ko matanggap ang lahat ng nangyari. Lintik! Ano ba ang nangyayari?

"Rosie, tama na..." Sabi ni Maggie.

Dalawang oras niya na akong tinatahan sa pag iyak. Pumuslit na rin siya ng konting pagkain sa kusina para makakain kaming dalawa pero di ko ginalaw yung akin.

"Mag, anong nangyayari? Panaginip b-ba to?" Napahikbi ako.

Maging siya ay napaiyak na rin sa kakatahan sakin.

"Sis, sigurado ka ba talagang sinabi niyang kayo na? O mahal ka niya?"

Mas lalo akong napaiyak sa tanong ni Maggie. Sa tanong niyang iyon, parang naiisip kong baka guni-guni ko lang lahat ng nangyari samin ni Jacob. Para bang gawa-gawa ko lang ang lahat! Ako lang yung na inlove, ako lang hanggang huli, walang kami.

"Mag, Kilala mo ako. Hindi ako assuming na pagkatao-" Hindi ko na natapos. Gusto kong mag mura at magbasag ng gamit dito.

Lintik na pag-ibig! Kahit nung nag break kami ni Callix hindi ganito ka disaster para sakin yun! Siguro nga dahil naibigay ko ang lahat ko kay Jacob. Siguro dahil mahal na mahal ko siya... dahil nag tiwala akong mahal niya rin ako. Galit ako dahil mahal ko siya pero sinaktan niya ako. I felt like I'll bleed till I die. Ganun ka sakit.

Natulog ako ng umiiyak. Tinabihan ako ni Maggie sa pagtulog. Buong Sabado at Linggo, inubos ko sa kakaiyak sa kwarto. Namumugto na ang mga mata ko.

Hindi ko makalimutan ang pagtaboy niya sakin. 'Umalis ka na!' Sh1t! Ano ba!? Tama na!

Tama na ang katangahang ito! Tama na! Alam ko. Naibigay ko na ang lahat sa kanya. Ang 'oo' at ang virginity ko... ang puso ko... ang kaluluwa ko. Lahat na ay nasa kanya! Ang natitira na lang sakin ngayon ay ang pride ko. Hinding-hindi ko ito isusuko kahit anong mangyari.

TAPOS NA KAMI DUN EH! Natanggap niya na ako! At kahit hindi niya ako matanggap noon, wala naman akong pakealam kasi hindi ko naman hinangad na magkaroon talaga kami ng relasyon. Siya yung may gusto nito at nagtiwala naman ako.

Bakit? Bakit niya nagawa ito sakin? Pagkatapos ng lahat?! Siguro nga ay nagkamali ako sa mga desisyon ko. Minsan, hindi lahat ng gusto mo ay tama. Hindi lahat ng gusto ng puso mo ay tama. Minsan, makamundo ang hangarin ng puso mo. Ang dahilan kung bakit binigyan ka ng utak ay para malaman kung alin ang kailangan at alin ang gusto mo lang. Hindi masama kung sundin mo ang gusto mo pero nandyan ang utak para timbangin kung KAILANGAN MO BA TALAGA YUNG GUSTO MO. At sa puntong ito, narealize kong hindi ko kailangan si Jacob. May nagmamahal man sakin o wala, may mahal man ako o wala, hindi yun magiging hadlang sa pagiging tao ko... buo ako, nandyan man siya o wala.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon