Chapter 18 ✍ - Unexpected Company

55.7K 762 45
                                    

Kassandra ✍


Pagtapak ko pa lang sa classroom namin, binungad na agad ako ng sigaw ni Mish.

"Hooo Kassandra!" sigw nito kahit na nasa malayo.

Pagpasok ko, nagtinginan tuloy ang mga kaklase ko.

"Bakit ba?" tanong ko sa kanya pagka upo ko.

"Bakit hindi mo man lang sinabi na uuwi ka na. Nag-alala tuloy ako. Para akong baliw kakahanap sayo. Mabuti nalang ..." sabi ni Mish.

"Mabuti nalang ano?" tanong ko.

"Mabuti nalang at sinabihan ako ni Lucas na hinatid ka na ni Stefan." dagdag niya.

Ha? Pano nalaman ni Lucas na hiantid ako ni Stefan?

"So, ano, kayo na ulit?" tanong ni Mish.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?" balik kong tanong.

"Kayo na ba ni Stefan ulit?"

"Hindi." tipid kong sagot.

"Okay madali naman kaong kausap. Pero if ever, chikka mo sakin ha." sabi niya. 

Nagulat ako ng nagsitigilan ang lahat na kanina'y ang ingay-ingay.

Paglingon ko, dumating na pala si Lucas.

"Oh heto na pala ang soon to be Groom natin!" sigaw ni Bryan.

At nagpalakpakan ang lahat. Natawa nalang ako dahil nakita ko ang reaksyon niya.

Asar na asar siya sa ginawa ni Bryan.

"Congratulations Lucas!" sigaw ng lahat.

Nagtagpo ang mga mata namin. Nginitian ko lang siya at binigkas ang mga salitang,

"Congrats." at umiwas agad siya ng tingin. Umupo sa desk niya at binatukan si Bryan.

° ° ° ° ° ° °

Pumunta akong mag-isa sa rooftop at dun nakita ko nga siya.

Nakaupo sa isang silya. Nilapitan ko siya at nung nakita niya ako, nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya.

"Bakit ka na naman ba nandito." tanong niya.

"Wala, nagpapahangin lang." sagot ko.

At napuno ng katahimikan ang buong paligid.

"Congrats nga pala." bati ko.

"Salamat." nagulat ako. Akala ko'y hindi na siya sasagot pa.

"Alam mo ba ang nagustuhan ko sa kanya?" dagdag pa niya.

Nilingon ko lang siya.

"Matalino. Maganda. Matapang. Mabait." sabi niya.

"Oo nga, napansin ko rin nga yun." sagot ko naman.

"At higit sa lahat, hindi siya humuhusga ng tao." nagulat ako sa sinabi niya.

Parang tinutusok-tusok ang puso at utak ko.

Nasasaktan ako naguguilty ako. Dahil nakasakit ako ng tao.

"Mauna na ako." sabi niya. I just nodded.

Naiwan ako at umupo nalang sa inuupuan niya kanina.

Not noticing, tears falling down through my cheeks.

° ° ° ° ° ° °

Papauwi na ako galing skwela. Hindi ko pa rin alam kung bakit ako nagkakaganito.

Dating The Class Valedictorian (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon