24. Officially Yes

5.2K 90 7
                                    

24. Officially Yes

 

Syndi

 

Minsan talaga mas mahirap pa ang calculations ng mga bayarin sa bahay kaysa sa math. Grr! Nakakaloka! Paano ko naman mababayaran ang lahat ng ito? I sighed. Nangalumbaba ako saka ibinalance ang lapis sa nguso ko. Nakakainis na talaga mag-isip.

Kung bakit kasi ang dami naming bayarin sa bahay? Di ba pedeng one at a time lang kasi mahina ang kalaban? E estudyante palang ako ah, at kulang na kulang ang sahud ko sa store ni ate Maria pambayad sa bago at nakaraan naming utang.

Kung sana di namatay si Daddy edi sana hindi namin mararanasan ang lahat ng ito. Nag-culculate na ulit ako ng mga bayarin. Kailangan ko na yatang kumuha ng isa pang trabaho.

“Tama, yun ang dapat kong gawin. Go Syndi!”

“Hayy!!”

“Ay kabayo!” napatingin ako sa bigla nalang nag-appear sa gilid ko “Naku naman Ulan! Ba’t ka ba nanggugulat ha?” muntik na akong atakahin dun ah! “Next time –“ he glanced at me and give me his most sweetest smile. Syet na naman! Tulo na naman laway mo Syndirella!

“Next time ano?” hindi talaga mapuknat yang ngiting mong yan Ulan?

“Ano.. I mean, next time huwag ka ng manggulat!” saka ko itunuon ang atensyon sa pagcalculate ng mga utang ko na di ko din naman matapos-tapos dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Bwesit! Bakit sa tuwing kasama ko itong si Ulan lage akong uneasy saka parang pusa na di maanak-anak. Inlove ka nga kasi mahfriend kaya magdusa ka diyan!

Nak ng kalabaw naman talaga oh! Saan na nga ba ako?

Naramdaman kong sumilip si Rain sa notebook ko. Ang ginawa ko ay inilapit ko yung ulo ko sa note at ibinagsak ang buhok ko sa gilid para di niya makita ang ginagawa ko. Bigla nalang kasi siyang umupo sa katabing seat sa gilid ko kanina, nagulo ang arrangements kaya sobrang lapit niya saken.

Walang tao sa classroom kasi lunch time.

“Ano ba yan?” basag ni Rain sa katahimikan.

“Wala”

“Patingin naman…” inilapit pa niya talaga ng sobra ang mukha niya “Damot naman nito oh”

“Ang kulit mo—“ napatigil ako nang paglingun ko ay sobrang lapit nalang ng mukha namin. Wrong move Syndi dahil konting kilos mo lang mahahalikan mo na talaga siya…este mahahalikan ka na niya. Our gaze met and no one said a word. I took a deep breath.. kahit parang lalabas na ang puso ko sa ribcage “Titigan mo nalang ba ako buong araw Ulan?”

“Pwede ba?”

Itinaas ko yung isang kilay ko…taray lang ang peg, kinikilig naman ito..aysus!

“Hindi pwede”

He smiled, yung nakakatunaw na ngiti “Hmmm…” then he started tapping the table with his fingers “Hmmm…mmm…mmmm…” he was humming a song which is very familiar to me. Inalayo ko ng bahagya ang mukha ko sa kanya.

“Anong ginagawa mo?”

He just raised his index finger, sign na pinapatahimik niya ako. Ano na naman kaya ang trip nito sa buhay ngayon?

 

Heto na naman

Sulyap ng 'yong mata

Na nagsasabing, ika'y nag-iisa

 

Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko. H-How.. that song? Paanong…

Montague Brothers - COMPLETED 2013Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon