Chapter Thirty Nine - A Father's Love

327K 2.9K 484
                                    

Chapter 39


Kasalukuyan silang kumakain ng agahan ni Maddie sa kusina nito. They talked about almost everything! Kung anong nangyari sa loob ng anim na taong wala siya sa Pilipinas, kung ano nang nangyari sa mga sikat na artista noon na wala nang project ngayon, tungkol sa gobyerno ng Pilipinas, tungkol sa textile business nitong nag branch out na sa other countries, sa kung ano ang nangyari sa kanya for the last six years, at kung paano nito nakilala ang fiancé nitong si Liam.

“Remember Haylie? Haylie Fuentes? Yung bida sa Velvet Rose na katambalan ni Laurence Dixon? Yung maputi na chinita?” Tanong nito sa kanya habang hinihiwa ang Frankfurt.

Tumango siya. “Yeah, what about her?”

“She died three years ago. Binangga siya ng asawa nitong si Matthew Torres sa may bandang Edsa. Nagmistulang car chase galing sa isang pelikula ang nangyari sa kanila that night. Nalaman kasi ni Matthew na may tinatagong relasyon pala si Laurence at Haylie, kaya ayun… He ended her life.” Bumuntong-hininga ito bago uminom ng tubig.

Napahinto siya sa pag kain. “Even if nalaman niyang may relasyon pala yung dalawa. That doesn’t give him the right to take someone’s life. Kawawa naman yung babae.”

“I know right. Buti naman at nakulong din yung si Matthew. Sayang pa naman. He’s really handsome to be a murderer.”

Napailing siya. “Aanhin mo naman ang kagwapuhan kung mamamatay tao? Besides, you have your own fiancé. Tell me how your love story started! Sige na.” Pilit niya dito. Kagabi pa niya ito kinukulit na sabihin sa kanya kung saan at paano nag simula ang kwentong pag-ibig nito pero palagi nitong iniiwasan ang topic.

Napangiti si Maddie habang iniinom ang kape. “You’ll never stop asking about that, will you?”

“Nope. I can be very persuasive whenever I want to, Madd. Try me.” Gusto niyang malaman kung paano napa-ibig ni Liam ang isang babaeng dakilang manhater. Ever since na naging magkaibigan silang dalawa ni Maddie ay never niya itong nakitang nakipag-date o may karelasyon. Tinanong niya ito noon kung bakit pero nginitian lang siya nito sabay sabing, “I hate men and anything that goes along with them.”

Now she was really intrigued about this Liam at kung paano nito napatunaw ang isang yelo na katulad ni Maddie.

“To make a long story very short… He was brave enough to destroy the walls I built surrounding me. He won the prize.” Nakangiti itong lumingon sa kanya.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag bago pa man siya makapagsalita. “One day you’re gonna tell me the whole story no matter how long it is.” She grabbed her phone and answered it.

“Hello?” Sagot niya without looking at the caller id.

“Mommy!!!” Bati sa kanya ng kanyang anak sa kabilang linya.

She had to control her sob when she heard her son’s voice. Kahit dalawang araw pa lang silang hindi nagkikita ay namimiss na niya ito. “Baby, how are you? Do you miss mommy na?”

A Deal is a DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon