Chapter 1- The End is Near

389 10 2
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


----------------------------------------------------





"Ganito nalang ba tayo palagi? Mas mabuti pa nga'ng mag-break na tayo. This is not working anymore." I told him straightforward, enduring myself from crying.

Iba ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya. Kung marami ako'ng alam na kulay, sa moment na 'to, isa na lamang ang alam ko. Kulay itim. Doomed. Wala'ng emosyon. Dahil din ba wala na'ng love?

"Mas mabuti pa nga. I think we're near to an end, and I'm making the initiative." He looked straight to my eyes...

That was unexpected. And again, I saw no emotion. I saw no love. Anak ng tondo naman, oh. Iba'ng sagot ang gusto ko'ng marinig, eh.

"Dex..." utal ko. At sa muling pagtingin ko, he already left away. "Five years yu'n, eh. F-five years." I didn't know what happened next.

"Isusugod ko na nga sana sa hospital, eh, sa sobrang kaba ko, ter!"
"Mabuti nalang at hindi mo ginawa dahil ikaw lang ang mapapahiya. Ano ba sasabihin mo? 'Dok, tulungan niyo po ang kaibigan ko. May sakit po sa pagka-BROKENHEARTED.' Aba, hindi ka lang pagtatawanan, at itutulak ka pa palabas ng hospital. Hahaha!" pinilit ko'ng ibuka ang mga mata ko dahil sa ingay na naririnig ko.

"G-girls, ano ba'ng nangyari?" Wala talaga ako'ng matandaan aside sa umiyak ako buong gabi.

Lumapit si Shiela at hinagod-hagod ang likod ko, "Ter, papasok ka na ng gate at pulang-pula ang mata. Bigla ka nalang nag-collapse. Ganiyan na ba ang trend ngayon sa mga BH?" natawa ako saglit.

"Sa sobrang kaba ko, isusugod na sana kita ng hospital. Kaya lang biglang dumating ito'ng si Shiela at inalalayan ka nalang namin papuntang kwarto" ani Kristen.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at maya't maya'y naiiyak na. "G-girls, sorry..." Aba'y nag-running contest na ang mga luha ko.

"Don't be. Wag ka na'ng magkuwento dahil alam na namin ang nangyari." And so the next thing I knew, kami'ng tatlo na ang nag-iiyakan.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon