Chapter 7

868K 26.6K 9.3K
                                    

Chapter 7

I FEEL sorry for Romnick Montenegro. It's been four years na palang nawawala ang asawa nyang si Erika and until now ay hindi pa rin nakikita. And according to him ay isang araw palang silang kasal. Plano nilang mag-honeymoon sa Africa nang mag-crash ang private plane na sinasakyan nila. Sya lang ang pinalad na nakaligtas sa ending. Though wala pa namang kasiguraduhan kung patay na nga ba talaga ang wife nya. 

Kawawa naman tuloy sya. Sayang naman ang hinas nyang buhok na plakado ang linya.

Ang nakakapagtaka lang ay bakit nya sa akin ikinuwento ang lahat? Ganoon ba talaga ako kadaling pagkatiwalaan? O baka naman dahil kamukha ko raw ang Erika na iyon na may asul na mga mata? Pwede ring dahil baka malapit na kasi ako sa kapatid nya na si Lord K.

Hanggang sa pagbaba ko ng sasakyang naghatid sa akin dito sa amin ay napapaisip pa rin ako. Marami pa ring tanong ang gusto ko sanang masagot. 

Ilang sandali pa'y napapiksi ako nang tumunog ang aking cellphone. Nang iangat ko ito mula sa aking bulsa ay naroon na naman sa screen ang unknown number. Siguradong si Lord K ito. 

Teka at mapag-trip-an nga sya. Kunwari ay akala kong sya si Ariel. Tingnan natin kung totoo ang sinasabi ni Rom na special daw ako sa kanya.

Sinagot ko ang tawag. "Hello, Ariel mahal ko..."

Hihihi.

"Nasaan ka na?" nagpatuloy ako. "Mis na mis na kita."

"Get in."

Ano raw?

Naintindihan ko lang ang sinasabi nya nang mapansin ko ang kotseng itim sa aking likuran. Kahit dim ang lights sa loob nito ay kitang-kita ko na may bughaw na mga mata roon.

"I said, get in." ulit nya. Mukhang mainit ang ulo nya.

Napalunok muna ako bago ako kandarapang pumasok sa kanyang sasakyan. Umupo ako sa passenger seat kung saan katabi ko sya sa driver seat. Hindi tuloy nakaligtas sa akin ang mabango nyang amoy. Bagama't natatabingan na naman ng masquerade ang kanyang makinis na mukha ay tumerno naman ito sa suot nyang jacket na fitted kung saan nakahubog ang malapad nyang dibdib.

Nagsalita muli ako sa cellphone ko. "Sorry, akala ko si Ariel na ang tumatawag."

"Tot – tot – tot "

Damn, pinatay nya na pala ang linya!

Humarap na lang ako sa kanya. "Sorry, akala ko si Ariel na ang tumatawag. Ikaw. Lang. Pala..."

Seriously, Ruby? Anong ipinaglalaban mo?

Kalmado lang ang kanyang mukha na nagmamaneho. Bahagya lang gumalaw ang kanyang mga labi nang hindi tumitingin sa akin. "Okay."

Grrrrrr! Hindi man lang ba sya magagalit o magseselos? 

Kinuha ko ang aking cellphone dahil kunwari nga raw ay tumunog. "May tumatawag..." bulong ko. Kahit hindi naman talaga nagri-ring itong telepono ko. "Hello..."

Nice acting, Ruby. Sana lang ay mabigyan ng katarungan iyang pinaggagagawa mo.

"Oh, Ariel, mahal ko..."

Paulit-ulit?

"Mis na mis na rin kita..." sabay sulyap ko sa lalaking katabi ko. "Can't wait to see you, too..."

Kainis! Bakit kalmado pa rin sya? 

"Sige kita tayo mamaya..." I continued. "E-excited na ako..."

Shet! Deadma pa rin ako!

"Please, wag mo muna ibaba... gusto ko pang marinig ang boses mo." Umakto pa akong naluluha. "I love you, too, Ariel mahal ko..."

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon