Chapter 19

211K 3.9K 226
                                    

HAPPY FIRST ANNIVERSARY SA AKING MGA KA-ANGHEL NA MAY SUNGAY SA GROUP!!! YEHEY!!! WISHING MORE YEARS OF FRIENDSHIP WITH YOU! MALAPIT NA LUMABAS SI SEBASTIAN GREENE!!! AYIIIIIEEEE!!! KAUNTING PANAHON NA LANG! SANA NGA! LOLS XD

I LOVE YOU ANGELS! FIGHTING!

LOVE,

ATE MOMMY DEAN 06/11/2015





********

CHAPTER 19

JANELLA RAYNE's POV

Matapos ang dalawang araw na bakasyon namin sa beach ni Dalton ay hindi ko na alam kung paano ko pa papalisin ang ngiti sa aking labi. Alam ko sa sarili ko na lunod na lunod na ako. At hindi ko alam kung makakaahon pa ako.

Naging abala ang mga sumunod na araw namin ni Dalton at may kung ilang araw ding hindi namin magawang magkita dahil palaging ang daming pinapagawa sa kanya sa opisina. Hindi rin naman kami magtagpong dalawa kahit sa umaga dahil sumasabay rin sa kanya papasok ang kanyang papa. Ang tanging nagiging komunikasyon namin ay text at tawag sa cellphone.

Ngayon nga ay kasama ko ang isa kong ka-opisina patungo sa isang restaurant na malapit sa building ng Samaniego. Sana makita ko si Dalton dahil sobrang miss na miss ko na siya.

At tila dininig naman ni Lord ang aking dasal dahil agad ko siyang namataan kasama ang mga barkada niya! Dapat ko ba siyang lapitan? Kahit mag-hi lang ako? Shit! bahala na nga!

Tahimik akong naglakad palapit sa kinalalagyan nila pero agad din akong hinila n'ung kasamahan ko sa katapat na upuan nila! May wooden divider na natatamnan ng mga halaman at kahit papaano ay nakakubli kaming dalawa. Hindi ko pa rin malaman kung dapat ko na ba siyang lapitan o papaano.

"Girl, what do you want?" Tanong pa ni Flor at hindi ko malaman kung dapat ba akong sumagot o papaano.

"Kahit ano." Pabulong pang sagot ko lang at napakunot lang siya.

"Ano?" Malakas pang tanong niya at pinandilatan ko lang siya ng mga mata.

Sumenyas akong masakit ang lalamunan ko at umiling-iling lang siya.

"Okay ka naman kanina, a!" Tila hindi pa kumbinsidong sabi lang niya at itinuro ko na lang sa menu ang budget meal na gusto ko.

Umirap lang siya at hindi naman na nangulit. Saglit siyang nagpaalam na pupunta ng CR at gusto ko siyang pasalamatan sa pagkakataong iyon. Lumapit ako sa wooden divider at pasimple kong sinilip si Dalton na bahagyang nakangiti habang kausap ang mga barkada niya. Parang wala 'yung sinasabi niyang pinakamayaman sa kanila. Tyrone yata ang pangalan.

"You're fcking boring, dude!" Si Vaughn ang nakita kong nagsalita habang nakaismid kay Dalton.

Umiling-iling lang siya at pasimple pang sinulyapan si Chance na siyang nakakaalam sa kung anong sikreto naming dalawa.

"Tell me, hindi ka pa ba nagsasawa?" Si Terrence na nakaupo sa katapat na upuan niya. Magkatabi sila ni Vaughn na nakahalukipkip at para bang inis na inis.

"Tsss..." Umiling-iling lang si Dalton sabay inom ng kung ano sa kanyang baso. Parang alak yata. Ang aga naman nila uminom.

"When are you going to keep this up, huh?" Si Vaughn ulit. Siya lang yata ang hindi masyadong ngumingiti.

"Jeez, Vaughn!" Tumikhim si Dalton sabay baba ulit sa basong hawak niya. "I'm so dead busy with work okay?"

"Work lang?" Si Vaughn pa rin na nagtaas pa ng isang kilay at mukhang hindi pa rin kumbinsidong ngumiti. "You never get what you want, Dalton. Kaya ganyan ka."

TAMING A CASANOVA (Published Under Pop Fiction & Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon