Previous Page of 2Next Page

ISANG MABUTING MAGULANG O ISANG MABUTING ASAWA?

spinner.gif

Kung ikaw ang papipiliin, ang pagiging isang mabuting ina/ama (magulang) o ang pagiging isang mabuting asawa?

Kung tutuusin, sadyang napakahirap ang sitwasyon ng isang magulang at asawa. Mahirap manimbang kung iisa lang ang dapat mong katigan.

Mayron tayong iba’t ibang karanasan sa buhay pagdating sa pagiging asawa at pagiging ina/ama…

Sa aking opinion ay mas pipiliin ko ang maging isang mabuting magulang.

Una, isaalang-alang muna natin ang stages o ang panahon na kailangang-kailangan ng anak ang isang ina/ama.

Mula pagkapanganak hanggang sa siya ay makatapos ng pag-aaral. Although ang pagiging isang magulang ay hindi kailanman matatapos hanggat ikaw ay nabubuhay, lalo na sa ating mga Pilipino na kung saan, kasama na sa kultura ang sabi nga ay "close family ties".

Matatapos lang ang responsibilidad mo kapag yumao ka na, kahit pa sabihing at the age of 18, independent na ang isang anak, at may kakayahan na siyang magdesisyon para sa kanyang sarili.

Pag nasa hunstong gulang naman na ang mga bata, hindi na nila gaanong kailangan ang …buong atensiyon ng magulang. Guidance na lang ang higit nilang kailangan.

Mahirap pagsabayin ang pagiging isang mabuting ina/ama at isang mabuting asawa, sa panahong maliliit pa ang mga anak ninyo.

Lalo na kung ikaw ay mahirap lamang, walang pang-sweldo sa yaya, kaya ikaw mismo ang mag-aalaga sa mga anak mo.

Ngayon, sa madaling sabi, sa panahong ito na maliliit pa ang mga anak ninyo, doon nila kailangan ang isang ina/ama, na kadalasan, "napapabayaan" ang asawa.

Generally and practically speaking, lalo na ang mga mister, dito na nagkakaroon ng problema ang mag-asawa dahil hindi nila maintindihan ang sitwasyon ng isang mabuting magulang.

Kadalasan, si mister ang hindi makaintindi. Sinasabi niyang pinapabayaan siya ng misis niya, kung kaya anman, naghahanap siya ng atensiyon mula sa iba.

Dito na pumapasok ang “kerida”…

Subalit, kung ikaw ay isang mabuting mister, bakit hindi mo maintindihan na ang inaasikaso naman ng iyong misis ay galing sa iyong dugo at laman ng iyong laman?

Na kaya nman kadalasan ay hindi ka niya naaasikaso ay dahil kailangang-kailangan ka ng iyong anak/mga anak?

Alalahanin mo, maliliit pa sila. Huwag ka namang makipag-kumpitensiya ng atensiyon sa iyong mga supling.

Unang-una, sila ay maliliit pa, wala silang kakayahang pagsilbihan ang sarili nila, wala silang kakayahang mag-isip pa kung ano ang mali at kung ano ang tama.

Isipin mo na lang ang mga ginagawa ni misis mo. Babangon sa umaga, magluluto ng agahan, maglilinis ng bahay, maglalaba, etc.

Pag nagising si anak, aasikasuhin, paliliguan, dadamitan, pakakainin/papasusuhin.

Nanay lang ang nakakagawa ng nagluluto habang nagpapasuso ng sanggol at hinehele may kasama pang free concert…

Naglalaba habang inuugoy ang duyan ni baby, sabay pa ang nagluluto ng tanghalian.

E paano pa kaya kung may mga anak pa kayo na nasa elementarya? E di mas lalong kalbaryo ang feeling ni misis?

Sa umaga paggising niya, magluluto ng agahan, maghahanda ng baon at gamit ni kuya/ate, habang tulog pa si baby. Tapos, paliliguan mo pa, bibihisan, papakainin at ipapasakay sa tricyle papuntang school kundi man ihahatid kung malapit lang ang eskuwelahan, kalong-kalong si baby o kaya naman iniiwan muna sa kapit-bahay.

Previous Page of 2Next Page

Comments & Reviews (1)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended