Chapter 29: Papel

777 18 16
                                    

Chapter 29

Serah's Standpoint

Umalis na kami ni Kenn doon sa Parlor after niyang mag bayad. Grabe hiyang hiya na ako dito nilibre na nga niya ako pati ba naman sa pagpapakulay ng buhok ko nilibre din niya ako. Habang nag lalakad kami bigla na lang lumabas sa bibig ko,

"Thank you" ewan ko bakit nahihiya akong mag thank you. Hindi naman ako ganito eh basta!

"Para saan?" tanong niya

"Ano ka ba? Dami mong nilibre sa akin, natural magpapasalamat ako." sabi ko ng nakatungo

"Psssh" tapos bigla niya akong inakbayan napatingin ako sa kanya kaya bigla niyang tinanggal yung akbay niya sa balikat ko. Ano kaya iyon?

Lumabas na kami sa Mall at sumakay sa jeep. Kukuha na sana ako sa wallet ko ng pera ng nagsalita naman itong katabi ko.

"Lilibre na kita" nakaramdam ako ng asar kasi hanggang dito pa din naman ba ililibre niya ako? Well, dahil hawak ko na yung wallet ko nag labas ako ng isang daan at dali daling pinaabot sa mga katabi ko.

"Dalawang ________ po" tumingin ako kay Kenn na hawak pa lang yung pera niya. Nag smirk ako sa kanya hahahah. Ewan ko lang kung nagawa ko ba ng tama. Maya maya bumalik na din ang sukli ko.

"Psssh,"

"Ang hilig mong gumanyan." sabi ko na lang, ano kayang gagawin ko mamaya pag-uwi?

"May gagawin ka ba mamaya?" tanong sa akin ni Kenn

"Uhmmm, wala ata? Bakit?" tanong ko naman

"Wala lang, kasi bukas na yung performance namin eh!"

"Saan naman?"

"Sa school, member kasi ako ng Music Club eh sinapian na naman yung president at gustong mag SHOW off bukas."

"Eh?" naaalala ko na naman yang Club na yan . Di nila ako sinali kasi daw marami ng member pero nakita ko tumanggap pa sila ng iba. Sabihin lang nila na ayaw nila sa akin matatanggap ko naman eh hindi iyong nag sinungaling pa. Hayys pero thankful na din ako na hindi nila ako tinanggap, hindi kasi ako magiging member sa Journalism kung hindi dahil dyan.

"Ah basta! Manuod ka bukas! Baba na!" bigla nya na lang akong sinigawan. Kaya nagulat na naman ako, bakit ba laging mainit ang dugo ni Kenn? Mag C-Christmas pa lang naman ah, hindi naman Summer. Maiintindihan ko naman..

"Baba na!"bigla kong iniwas yung tingin ko at tumingin sa mga nakasakay din sa jeep. Nakatingin din sila sa akin. Bakit?

"Bakit?"

"Nandito ka na, pinara na kita!" sigaw pa din ni Kenn tapos yung driver sumigaw na din.

"Bababa ka ba? O hindi?!" at ngayon ko lang na realize nasa kanto na pala ako ng street namin. Hehehe.. Nakakahiya puro day dream ako.

"Ayy sorry, bye!" sabi ko kay Kenn tska bumababa sa Jeep. Nakakahiya naman iyon!

- - -

Maaga akong pumasok di ko alam kung bakit. Siguro dahil maaga lang akong nagising hehehe. No, maaga akong ginising ni Lord. Iyon ang tamang sentence hehehe. Ako pa lang ang tao sa room. Monday ngayon mamaya may Flag Ceremony kami. Eh dahil mag isa pa lang ako sa room lumabas ako at tumambay sa Corridor. May iba na din naman student ang nasa labas kaya okay lang.

Pagtingin ko sa right side ko hindi naman kalayuan. Nakita ko siya na nakatambay din. Nag c-cellphone siya, pa slide slide lang ang peg. Hala, nagagaya na ako kila Carla. Napansin niya ata akong nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko at pumasok na sa room.

Cherish YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon