Alibughang anak

spinner.gif

Umaga nun...

 

"Anak gising ka na ba?" sabi ng nanay

 

"Hindi pa po" sabi nung aso

 

"Aso! Hindi ikaw! Ako!" sabi nung anak

 

"Ah ganun ba, Sorry naman" sabi ng aso

 

"Oi anak! Sino kausap mo? Nababaliw ka na naman. Mana ka talaga sa tatay mong baliw. Alam mo ba kung bakit baliw yun? Kase baliw na baliw sa akin. Ayun nabaliw" kwento ng nanay

 

"Grabe nay, ilang beses mo na nasabi sakin yan. Nakakarindi na. Pangalawang beses mo ng nakwento sakin yan. Saulo ko na eh"

 

"Sorry na anak, Di na mauulit. Gusto mo anak taasan ko ang baon mo? Tsaka pwede ka na umuwi ng kahit anong oras na gustuhin mo. Wag ka lang maglit sakin. Sorry na anak" pagmamakaawa ng nanay

 

"Anlahuy nanay, nakakasawa na. Ayoko na! Lalayas na ako! Kahit isang libo pa ang baon ko. Bahala ka na sa buhay mo! Lalayas na ako" pagdadabog ng anak sabay layas.

 

"Ok bye anak!! Text text na lang. Wag ka na bumalik ah. Palamunin ka eh!! Bye bye! Ingat ka! Tanga ka pa naman." pagdiriwang ng nanay dahil nilayasan ng anak

 

 

Pero....

 

 

Bumalik ang anak.

"Nay..."

"Ano yun anak?"

"Hindi ko alam kung paano maligaw para hindi makabalik sa bahay eh"

 

 

 

 

__________________THE END___________________________

 

by: ilootoots

Comments & Reviews (13)

Login or Facebook Sign in with Twitter


Vote library_icon_grey.png Add

Who's Reading

xenon_warriors SheYeol0519

Recommended

Campus queenFINISHED: Stories from the Mist [II][VT] Vampire Tragedyprom night !