|
||||||||
![]() |
||||||||
|
|
||||||||
|
|
2
Ang Lihim na Comedya ni Jacob Laneria
tatlong kwento dapat ang bumubuo sa series na to, isinusulat ko pa lang ang final. ang "Paradiso". mas maganda, mas mature, mas mahirap intindihin...salamat sa pagtangkilik INFERNO Isip. Iris. Isip. Langhiya bat ba Iris ang pangalan ko? Ang astig ng dating ko pero pang babae ang name ko. Badtrip talaga. For instance may chika babes, tapos pormahan ko. Sasabihin ko pangalan ko, magpapakilala nga. "Hi miss. Pwede makipag kaibigan? Ako nga pala si Iris." Ang sagwa ng epek. Parang pangalan ng bakla. Problema pa sagutin ako ng: "Oh my gosh! Pareho pala tayo ng pangalan!" Ah!!! Langhiyang transportation strike na to. Potek talaga. Bat ba kasi nag patayo pa ng flyover dyan sa Gen. Luna? Sa harap pa ng school ko! Naks naman, ang pangit na nga ng WangBu High, tinakpan pa. Badtrip talaga. Isip. Iris. Isip. "Uy Iris parang mag fu-fusion na yata mga kilay mo ah? Ano ka ba? Relax pare ko. Walang pasok dahil may strike ang mga Oton na jeep. Enjoy life men. Tayo ang mga hari ng campus!" Wow nakaka uplifting naman ng speech nito. "Pare! Hello? Reality check! Taga Oton kaya ako!" sagot ko kay Larvice, ang super preskong no problem asungot (na ka barkada ko!). Ang swabe nitong mag salita, eh walking distance lang ang bahay nito. Bwisit! "Pano ka ba naka rating dito?" tanong nya. "Naki-hitch lang ako. Badtrip talaga ni Ma'am. Bat ba kasi ngayon pa ang deadline ng project natin? Pumatak pa sa may strike." "At least perfect natin. Pag late daw may minus." Ang stupid ng statement. Kailan pa ba walang minus ang late na projects? Pinabayan-an ko na. "Una na siguro ako mga pre." Nagtinginan ang tropa sakin. Alam ko na ang sasabihin nila. "Nu sasakyan mo?" Sabay tawa. Yung tawa na parang walang bukas. Engots. Maka alis na nga. Habang palayo ako ng klasrum naririnig mo pa ang mga sira ulo. "Ingat ka Iris!" "O, san ka pupunta? Maglalaro pa tayo ah. Walang tao sa computeran ngayon!" "Pare hangang City High lang ba talaga mga Oton?" "Teka, naiisip nyo ba ang naiisip ko?" "Ano?" "Baka nagkontsbahan si Ma'am at ang JODAO ? Para parusahan ang mga estudyanteng taga Oton?" "Naku lagot! Baka mga taga Jaro naman ang kausapin ni Ma'am?!" Tawanan ulit. Hindi na nakakapagtaka kung may ma ubosan ng hininga ang isa sa kanila. "And I don't want the world to see me!!! Hahahaha!!!" Pesteng kanta yun pero in fairness nagagandahan ako dun. Pangalan ko pa ang title ---0--- Ang tahimik ng kalsada. Syempre lang walang pasok eh. Almost two o clock na ha. Buti na lang Oton lang ang may strike. Pwede pa ako sumakay ng Villa na jeep. Sa plaza Villa siguro okay na. Konting lakaran baka maka sakay ako ng traysikel papuntang Oton. Pwede sanang yung mga long distance na mga jeep. Tibauan. Giumbal.Miag-ao. Pero wala yata nag papasada mga gaintong oras. Naka sakay din ako. Medyo walang tao sa jeep. Mga lima lang siguro kami. Isa, dalawa, okay lima nga. Anim kasama ang driver. Okay tong pwesto ko. Sa dulo ng jeep. Di ko alam lang pano o bakit, pero okay ang spot na to. May lalaki sa harapan ko. Nasa dulo rin. Parang ilang taon lang agwat sakin. College siguro. Medyo long hair. Wala sigurong pang gupit. Sa mukha palang malalaman may pagka pala biro ang isang to. "Badtrip ng strike no? Taga Oton ka no?" Kwentohan? Sure. "Oo. Ang flyover kasi eh. Re routing pa. Mahirap para sa mga pasahero at drivers, perwisyo ang gasolina tumataas pa." Wow ang mature ng sinabi ko ah. "Hindi lang gas ang tumataas. Pati ang bilihin no? Ang bumababa na lang siguro ay, ay, ay yung panty ng babae!! Hahaha!!" Wow naman tatawa ba ako? "Pero seryoso pare," tuloy nya, "wala naman magandang naidulot ang flyover na yan eh. Kung iisipin nung naka ka rerouting, dun pa na realize ng mga tao kung saan ang problema. Hindi pa nga maayos mga kalsada dito sa Iloilo, may mga flyover na silang nalalaman." Tuloy ang kwentohan habang papasok kami sa Fundidor Molo. "So pare," sabi nya, "bakit may picture pa ng politiko sa mga heganteng signs nay an. Kita mo yun? Mas mahal ng binabayad sa printing nyan eh. Tax naman ginagamit dyan. Edi sana picture natin ang nasa mga signs na yan. Hayyy..." "Lakas ng kurapsyon no?" sabi ko. Nakikita mo ang agreement sa kanya. May kinuha sya sa bag na dala nya. Libro. Manipis na libro. Parang pamphet. Pamphlet nga. Binigay nya sakin. May nakalagay sa harap : INFERNO. Bumaba sya kaagad. Kumaway lang sya sa akin. Tinago ko muna ang pamphlet. Plaza Villa na. Matagal-tagal na rin ako hindi napasyal dito ah. Ayon sa iba, flower district daw ang Villa. Oo nga naman. Maraming mga bulaklak at ornamental na mga halaman. Pero kung December nagiging fireworks district na to. Grabe ang evolution no?
|
|||||||
|
© WP Technology Inc. 2009
User-posted content is subject to its own terms. |