Lord Kelvin : Bribery with a Twist

60.8K 937 30
                                    

-----Tomoko's POV-----

"Dapat mong tandaan, ikaw ang may kailangan sa akin kaya kung ako sayo ay maki-ayon ka na lang." Payo ng aking kaharap na si Lord Kelvin.

Naiiyak na naman ako dahil sa pagiging dominante niya. "Oh sige, ako na lang ang magtatanong. Anong kailangan kong gawin para palayain mo sa kulungan ang aking ama?"

"Dalawa lang naman ang kailangan mong gawin Tomoko, stay here and be my wife. Stay here para palayain ko ang iyong ama and be my wife para maibalik sa inyo lahat ng  ari-arian nyo."

Saglit akong nag-isip. "Sige, I will stay here if you like but sorry I cannot be your wife."

Tumigas ang anyo ni Lord Kelvin. "Why?"

"Dahil may nobyo ako at nagmamahalan kami."

Lumipat siya sa upuan malapit sa tabi ko at muling nanindak. "Hindi mo ba ako narinig noon? Wala ka nang nobyo!"

Pinagtaasan niya ako ng boses kaya gumaya na rin ako. "Sino ka para sabihin iyan ha? Hindi ka Diyos! Oo nga at ikaw si Lord Kelvin pero tao ka lang! Mayaman ka nga pero kailanman hindi mo mabibili ang pag-ibig!"

Bigla niya akong hinawakan sa batok at hinatak palapit sa mukha niya. "Kung gugustuhin ko ay kaya ko! Kaya wag mo kong hamunin Tomoko Yamazaki."

"Hindi... hindi mo kayang gawin yun Kelvin." Pinagdidiinan ko.

Nag tiim-bagang ang kaharap ko at tila nagdilim ang kanyang anyo. Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at nag-dial ng numero.

"Oo... gusto kong papuntahin mo dito si Nico ng Emerald Hotel. Oo... sabihin mo na bilisan niya kung ayaw niyang mawalan ng matutulugan."

Nanlaki ang mata ko. "Anong binabalak mo? Bakit mo pinapupunta dito ang boyfriend ko ha? Sumagot ka! Anong gagawin mo sa kanya?" Nag-aalala kong tanong.

Tumayo lang siya at hindi ako sinagot. "Stay here kung gusto mong malaman kung pano ko bilhin ang pag-ibig mo."

Napatanga lang ako sa sinabi niya. Gagawin niya talaga yon? Bibilhin niya ang pag-ibig ko? Bakit kailangan pang nandun si Nico?

Tinawag niya ang maid na si Lily at nagkukumahog naman itong lumapit sa amo niya.

"Bakit po young master?"

"Samahan mo sila sa office ko kapag dumating na si Nico ng Emerald Hotel." Utos niya sa maid na si Lily.

"O-opo Lord Kelvin."

Nang mawala na si Kelvin sa aming paningin ay agad nang lumapit si Lily sa akin.

"Miss Tomoko, anong nangyari? Bakit ganun na lang ang pagbabago ng mood ni young master? Kanina lang ay masayang-masaya pa siya nang dumating ah. Alam mo bang ito ang unang beses na umuwi siya ng ganito kaaga? Mukhang sabik na sabik talaga siyang makita ka.... nag-away ba kayo?"

"Lily, ano bang pwede niyang gawin sa boyfriend ko na si Nico?" Hindi ko mapigilan ang panginginig ng kalamnan ko.

"Miss Tomoko wag ka nang umiyak... ganun lang talaga ang amo ko nakakatakot pero hindi naman talaga siya masamang tao."

"Kung talagang hindi siya masamang tao Lily ay hahayaan niya kami ni Nico na maging masaya." Namamaos na ang boses ko sa kaiiyak.

Ilang sandali pa ay dumating na ang boyfriend kong si Nico at nagyakapan kami. Naghiwalay kami nang sumulpot bigla si Lily sa harapan namin.

"Miss Tomoko, sir Nico... sumunod na po kayo sa akin."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Nico.

"Sa office po ni sir." Sagot ng maid na si Lily.

Imperial BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon