.

100K 482 241
                                    

ENDING PART II

Meili’s POV

(WIFE FOR HIRE

Knows how to:

*Care

*Trust

*Hug

*Kiss

*Love

Husband and Place to stay are provided. Please call 09479031437 for more information.)

Natawa na lang ako sa nabasa kong papel na nakapaskil sa front door ng bahay na tinutuluyan ko ngayon.

“Sira talaga” natatawang bulong ko. Ganito din kasi noon yung papel na nakita ko sa isang poste noon kaya ako naging maid ni Dexter.

*beep beep*

Napatingin naman ako sa kotseng bumusina sa tapat ng gate. Dali dali naman akong tumakbo at pinagbuksan siya ng gate at isang mainit na yakap ang natanggap ko mula sa kaniya.

“Hi Yam!”

Did I mention na nag-hiwalay kami ng bahay? Ewan ko ba dito sa lalaking to. Sabi niya hindi daw kami pwedeng mag-sama muna sa iisang bahay hanggang hindi pa kami kasal. Kung makaasta parang hindi kami kasal at hindi pa kami magkakaanak at higit sa lahat—Hindi pa ako virgin. Psh.

“Ano to?” tanong ko sabay pakita sa kaniya ng papel.

“Mag-aaply ka?” tanong niya.

“Pwede ba?”

He leaned down and give me a peck on my lips. “Of course”

Para naman akong teenager na kinilig ng halikan niya ako.

“Kaninong number to?” hindi ko mapigilang maitanong.

Hindi naman ganito ang number niya. So...?

“479x3=1437” sabi niya.

Bagong equation? Hmm... I love that.

“143? I love you? Ano yung 7?”

“Ang dami mo namang tanong fiancé. I’ll tell you tomorrow. After our wedding”

At dahil sa sinabi niyang yun. Hindi ako makatulog buong gabi. Sobrang excited akong malaman kung ano yung meaning ng 7 na yun? Uhm... I love you seven? So ibig sabihin gusto niya ng anim na anak at ako ang pang-pito? Argh! Ano ka bang 7 ka!?

His Maid (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon