Chapter 26: Rosas

263 19 6
                                    

Chapter 26

"Sa wakas" sabi niya pagkabukas ko ng pinto kita ko ang paghulog ng konting patak ng tubig mula sa buhok ko. Hindi ko pa napipiga ang buhok ko sa pagmamadali.

"Pasok ka. Sorry kung natagalan naligo ako." sabi ko pumasok naman siya kaagad at gumala ang paningin niya sa buong unit namin.

"-Nadayo ka dito?" dagdag ko. Lumingon siya sa akin at poker face na expression agad ang nakita ko sa kanya.

"Ikaw pala yung kausap ko kanina. Nasaan si Isaiah?" sabi ng wag sasabihin sa kanya eh. Umupo siya sa sofa habang ako lumapit sa lamesa para kunin ang cellphone. Nahirapan pa akong magtype ng message kay Louie.

"Fyglia,"

'Bakit alam na niya? Nandito tuloy'

Message Sent



"Oh?" umupo ako sa tabi niya. Bakit naman ganito ito makareact?

"Nasaan si Isaiah?" tinignan ko siya. Ganoon pa din ang mukha niya ngunit ngayon may bahid na ng pagkainis. Napalingon ako sa orasan alas tres na ng hapon.

"Wala siya dito. Pati bakit ka nandito? Di ba may pasok ka pa?"

"Nag undertime ako." mabilis niyang sagot

"Bakit naman?"

"Para puntahan ka dito. Este para hanapin si Isaiah."

"Wala nga siya dito. Pati bakit niyo siya hinahanap?"

"May meeting sila eh alam mo naman si Louie tamad maghanap. Pero bakit nasa iyo ang phone niya?"

Kanina ko pa ito napapansin si Caloy. Mas gusto ko na lang siyang magsungit. Kapag naging kaclose pala ito nagiging feeling close talaga. Biglang nagbeep ang phone ko.



Louie:

Don't answer all his questions. Make yourself a mystery.

Ang layo ng sagot niya ah. Nangiti na lang ako.

"Ngingiti ngiti ka diyan. Bakit nga nasa iyo ang phone niya?"

"Dami mong tanong. Bakit di na lang si Isaiah tanungin mo tutal sa kanya naman pala itong phone. Gusto mo ba magkape?"

"Hindi ko nga mahanap eh!" ayan na nagsungit na. Ayos lang yan. Namiss ko din kahit papaano ang pagsusungit niya.

"Sungit." bigla kong sinabi para asarin siya.

"Anong sabi mo?" bigla niya akong hinawakan sa magkabila kong pisngi. Kaya magkaharap na ang mukha naming dalawa.

"Ang sabi ko ang sungit mo." Bigla na lang niyang nilapit ang mukha niya sa akin este sa leeg ko.

"May sugat ka. Napaano ito?" hahawakan pa lang niya ang leeg ko nang

"SORRY!! OH MY! " natulak ko si Caloy at napatayo. Nandito na si Krissy! Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Fyglia..." bigla kong naalala ang lahat ng pinag-usapan namin. Aalis na siya, iiwan niya lahat ng mga pag-aari niya sa mundong ito sa akin. Niyakap naman niya ako pabalik at binulungan.

"-gala tayo, girl. Next time niyo na lang i-continue ang make out session niyo." bigla kong naalala na may ibang tao pa pala dito. Pagkalingon ko sa kanya nakataas lang ang kilay niya sa aming dalawa.

"Hi Ciel" bumitiw na si Krissy "-I'll borrow muna si Fyglia sa'yo. Nung isang gabi pa daw kayo magkasama eh."

"Okay" sagot niya sabay tayo

Fyglia's EnchantmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon