Lord Kelvin : Meet The Real Kelvin Imperial

175K 1.5K 77
                                    

Imperial Brothers presents "Lord Kelvin"

by: Aya_Hoshino

"A woman must marry the man who loves her, but never the one she loves; that's the secret of lasting happiness." - Storm Jameson

-----Arthur Imperial's POV-----

Kumakain ako sa isa sa mga restaurant na pag-aari ng aming pamilya nang bigla akong nawalan ng gana.

Pumagting kasi ang tenga ko ng marinig kong may nagyayabang malapit sa likuran ko na isang lalakeng dumidiskarte sa isang babae.

Sa itsura at pananalita pa lang ay walang wala na siya sa kalingkingan ko. Lalo pa akong nagka-interes sa kanya ng banggitin niya ang pangalang 'Kelvin Imperial'.

Tahimik lang akong nakikinig sa pag-uusap nila.

"Miss, sumama ka na sa akin. Hindi mo ba ako kilala? Ako si Kelvin Imperial ang kilalang Lord Kelvin ng Imperial family!" Pagyayabang nung lalake.

"Sigurado ka? Sa inaasal mo kasi ay parang casanova ka eh. Ang alam ko ay hindi ganung klase ng tao si Kelvin."

"Bakit, nakita mo na ba siya ng personal? Wala pa namang nakakakita sa kanila ah. Kahit nga yung sa mga magazine ay walang mga mukha nila este namin!"

"Pero ayon sa mga write-ups ay yung Kelvin Imperial ay puro business lang ang nasa-utak at walang kahilig-hilig sa mga babae."

"Bingo! Tama ka diyan miss ganda" sabi ko sa sarili ko.

Pero pinagpipilitan pa rin nung lalake ang kasinungalingan niya. "Maniwala ka miss, ako talaga si Kelvin Imperial. Wag kang maniwala sa mga sabi-sabi ng mga magazine diyan. Mayaman talaga ako! Kung gusto mo ay sumama ka sa akin sa hotel na isa sa mga pag-aari ko, ang Emerald Hotel para maniwala ka."

"Sige nga, gusto ko ding makita kung gaano kalaki ang.... bed mo." Kalaunan ay pumayag din ang babae.

Humagikhik ang mokong at naglakad na sila palayo nung babae.

Sinundan ko sila at humarang ako sa daraanan nila. "Sandali."

"Sino ka?" Tanong nung lalake sa akin.

"Kapatid mo ko tapos hindi mo ko kilala? Akala ko ba ikaw si Kelvin Imperial?"

"Sino ka nga ha?" Tanong niya ulit.

"Ako si Arthur Imperial."

Tinuro-turo niya ako habang nagsasalita. "Hoy! hoy! Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa pag-gamit mo sa pangalan ng kapatid ko ha?"

Tinawanan ko lang ang kahibangan niya. "Baka ikaw diyan ang kasuhan ko. You know what? You don't even talk like my brother and you don't even sound like a legit Imperial."

Lumapit ako sa kanya at hinablot ang kwelyo niya. "Let me teach you how a real Imperial do it."

Pagkasabi nun ay sinikmuraan ko siya. Namilipit nga siya sa sobrang sakit eh, ni hindi na nga niya nagawang gumanti.

"Ikaw na kutong-lupa ka... who tries to mess with my brother's reputation by making him a casanova? Alam mo bang ni wala ngang kahilig-hilig yun sa babae?" Paliwanag ko sa kanya.

"Next time mag-research ka muna!" Dagdag ko.

"I-isa ka ngang Imperial?" Namimilipit pa rin siya sa sobrang sakit.

"Oo kaya magsimula ka nang magdasal." Banta ko.

Biglang lumapit sa amin si kuya Alexander. "O Arthur anong problema dito?"

"So i-ikaw nga ang kilalang King Arthur?" Paniniguro ng kaharap ko at tila nanginig pa lalo ng lumapit na si kuya.

"Ang tunay at totoo at siya naman ang kapatid ko na si Alexander the Great Imperial. At ikaw, sino ka nga ulit? Kelvin Imperial?" Sarkastiko kong turan.

Imperial BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon