008

1.9K 26 5
                                    

Guys super cool ng song na 'Closer' I love Halsey :-)

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

/GABRIELLA HAIYAN MENDEL/

Nanaginip ba ako?

Ang unang tanong na pumasok sa utak ko pagdilat pa lang ng mga mata ko.

Bumungad sa akin yung cream na kulay ng ceiling kung na saan ako nakahiga ngayon.

Ang lambot ng unan at napakacomportable sa katawan na tipong hindi mo na maiisipang bumangon.

Ang gaan sa pakiramdam ng ambiance kung na saan ako ngayon.

May magarang portrait sa pader at don naman sa unahan ko may malaking flat screen tv.

Lahat ng bagay na nakikita ko ngayon kakaiba sa mata ko.

Yung unfamiliarity nandon.

Bakit?

Wala ako sa kwarto ko.

Hindi ito yung kwarto at bahay na tinutuluyan ko ng ilang taon.

Hindi ito yung apartment ko.

Na saan ako?

Dahan-dahan akong bumangon at tumayo.

Naglakad palapit don sa kurtina at hinawi ito.

Napapikit ako sa sinag ng araw.

Matapos makapagadjust ng mata ko sa liwanag don ko nakita yung mga building sa labas.

Napatingin ako don sa mga kotse at taong halos langgan na lang ang laki mula sa kinatatayuan ko.

Napayakap ako sa sarili ko.

At sumagi sa isip ko yung nangyare kagabi...

Posible bang panaginip lang yon?


/FLASH BACK/

Malakas na sigawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Malakas na sigawan...

Hiyawan...

Ang naririnig ko kanina pa.

Kasabay non yung bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi maalis yung kaba,takot at kanina pa ako di mapakali sa kinatatayuan ko.

Kanina ko pa hawak yung camera sa kamay ko. Sinubukan kong kumuha ng ilang litrato pero di ko nagugustuhan yung mga nakukuha ko.

Nadidistract ako.

I sighed deeply.

Huminto muna ako at tumayo lang sa gilid.

Gabby, focus.

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon