The Notebook (One-Shot)

1.6K 65 14
                                    

"Lexie! Tara kain na tayo!" tawag sakin ni Lei, bestfriend ko.

Lunch break namin at halatang gutom na siya dahil minamadali niya ko.

"Oo, sandali lang. Inaayos ko pa yung mga gamit ko!" sigaw ko pabalik. Nasa labas na siya ng classroom at atat ng magpunta sa canteen.

Ako nga pala si Alexis Sy. Fourth year high school sa Sinclair High.

"Ang kupad mo naman eh! Gutom na ko! Mabuti pa mauna na ko sa'yo! Bibili na kong makakain natin!"

At narinig kong tumakbo na siya paalis. Ni hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ko.

Napailing na lang ako. Ang babaeng yun talaga.

Tahimik na isinilid ko ang libro ko sa loob ng bag ko. Ako na lang ang nag-iisang tao na nandito sa classroom. Lahat sila nasa canteen na.

Oo na. Makupad nga ako.

I zipped my bag then sinukbit ko na yun sa shoulders ko. I was about to go nang mapansin ko yung upuan sa tabi ko.

May isang itim na notebook na naiwan do'n.

Mukhang naiwan iyon ni Daemon. Napasimangot ako pagkaalala sa lalaking yun.

Si Daemon Mendoza, ang numero unong peste sa buhay ko. Kababata ko siya at ako ang paborito niyang pag-trip-an.

Bata pa lang kami, madalas na kaming hindi magkasundo. Pwera na lang sa isang bagay -- ang panunuod no basketball.

Madalas niya kong tawaging "Nunal" bilang pang-asar dahil para daw akong nunal na tinubuan ng mukha. Na hindi naman totoo!

Oo, may nunal ako sa mukha pero isa lang yun! May kalakihan nga lang ng konti. -____-

Ako naman tinatawag ko siyang "Demonyo". Pang-asar lang din. Tutal katunog ng English nun yung pangalan niya. Demon. Daemon. Tss. Suits him, eh?

Mula noon hanggang ngayon, sa kasamaang-palad, eh classmates kami. Ewan ko ba. Nakakairita nga eh. At eto pang isa, seatmates kami! Ugh! Kaya araw-araw akong imbyerna!

Kinuha ko yung notebook at saka binuksan.

OPEN THIS AND YOU'RE DEAD!

~ Daemon Mendoza POGI

Iyan ang sumalubong sakin. -__-

"Ang kapal," bulong ko sa sarili ko.

Ano bang meron sa notebook na 'to at ayaw niyang ipabasa?

I smirked. Mabasa nga. Baka nakasulat dito yung deepest and darkest secrets niya! May pam-blackmail na ko sakanya pag nagkataon! Bwahahaha!

Smiling, I turned to the next page.

06-05-20**

Diary,

Pasukan na naman! Finally, senior high school na ko. And guess what? Classmate ko ulit siya! Haha Ang saya lang. Sabi ko na sa'yo, eh. We're destined for each other!

~ Daemon

P.S. I love her.

Woah.

Diary? Si demonyo, nagda-diary?! Syete! Magugunaw na ba ang mundo?! I can't believe it! Yung unggoy na yun? Haha This is hilarious!

The Notebook (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon