My Prince (Published Book)

spinner.gif

“Alam mo Binbo, wala namang taong nagmamahal ang hindi naranasang magpaka-tanga.”

Thirteen years old, grade seven kami, nang sabihin sa akin yan ng best friend kong si Ren. Naitanong ko kasi sa kanya kung bakit yung classmate naming si Aya ay dikit pa rin nang dikit doon sa lalaking gusto niya, na si Sic, kahit na pinagtutulakan na siya nito palayo.

Ang mga taong nagmamahal, kadalasan, tanga. Dahil sa sinabi niyang iyan, yun na ang naging paniniwala ko pagdating sa pag-ibig. At hindi ko alam na isang araw ay mai-aapply ko rin pala ang katangahan na yan sa buhay ko.

Ilang buwan bago kami grumaduate ng elementary ni Ren, pareho kaming nasa park noon malapit sa school namin at iniintay ang aming mga sundo. Nakaupo kami sa damuhan sa ilalim ng puno. Yakap-yakap ko nun ang aking bag pack habang si Ren naman ay masayang nakatingin sa akin habang pinapatugtog niya ang kanyang gitara at kinakantahan ako ng isang love song. Tila ba naglaho ang lahat ng nasa paligid ko nung mga panahon na yun. Nakarinig ako ng fireworks na nagmula sa puso ko at nakakita ako ng mga lumilipad na puso sa paligid ni Ren. Para bang for the first time, na-realize ko na nagi-spark pala ang mga mata niya pag ngumingiti at nakakapagpalundag pala ng puso ang boses niya kapag siya’y kumakanta.

Akala ko, nababaliw na ako ng dahil sa mga nakikita at nararamdaman ko. Hindi ako aware na sa kauna-unahang pagkakataon, tumitibok na ang puso ko para sa isang lalaki. Pero nang minsang manood ako ng T.V. at narealize kong halos kapareha ko ng nararamdaman yung batang babae doon sa palabas na pinapanood ko, doon ko lang nalaman na ito pala ay yung tinatawag nilang ‘puppy love.’

“Puppy love lang ‘yan! Mawawala rin agad ‘yan. Bata ka pa at marami ka pang mararanasan,” sabi nung isang matandang karakter sa pinapanood ko. Mukha akong ewan at naniwala ako doon sa karakter na yun, na mawawala rin agad itong nararamdaman ko.

Pero lumipas ang araw, ang linggo at buwan, wala pa ring pagbabago. Mas palalim pa nang palalim ang nararamdaman ko, hanggang sa umabot na sa point na sinundan ko siya sa kung saang high school siya nag-enroll.

Prince Academy. Ang isang paaralan na may mala gintong tuition fee— kahit mga pagkain sa canteen ay mala-ginto rin.

Ang mga magulang ko ay isang hamak na mamamayan na average lamang ang kinikita sa kanilang mga trabaho. In short, hindi namin afford ang mala-gintong tuition fee sa paaralan na ‘yan. Kaya naman in the name of love, at dahil isa rin ako sa mga umiibig at nagpapaka-tanga, araw-gabi akong nagsunog ng kilay para mag-top sa entrance exam at makakuha ng scholarship. At dahil ibang klase talaga ang nagagawa ng pag-ibig, ang hindi masyadong katalinuhang tulad ko, ay nag-rank number two sa entrance exam at nakapasok sa Prince Academy.

Okay na ang lahat. Solve na. Gumawa ako ng paraan para makasama ang taong nagparanas  sa akin kung anong pakiramdam ng may puppy love at nagpatunay na kahit puppy love lang yun ay hindi yun basta-basta mawawala. Dahil ang puppy love, pagbali-baliktarin man natin ang mundo, ito ay isang uri pa rin ng pagmamahal.

Napawow na lang ako sa unang pagtungtong ko sa paaralang ito. Ang ganda ng ambiance! Mala-koreanovela ang peg! Feeling ko nasa isa akong fairytale. Ako ang damsel in distress at si Ren ang gwapo kong knight in shining armour. Pero mali. Mali ako. Nasa loob pala ako ng isang malagim na bangungot at nagliliyab na impyerno.

Matapobre, mga bullies, mapang-husga at mapang-alipusta. Ayan ang mga eksaktong katagang nagdedescribe sa karamihan ng mga estudyanteng pumapasok sa sa paaralang ito. Ako lang ang nag-iisang scholar dahil yung ibang nag-top nung entrance exam, nagbayad na lang ng tuition para hindi nila i-bare ang trabaho ng isang scholar bilang isang Student Assistant ng mga teachers.

Tatlong taon akong loner sa Prince Academy. Tatlong taong walang kaibigan. Anong nangyari kay Ren? Ayun, kasama niya ngayon ang isang grupo ng mga estudyante na tinatawag ang sarili nila bilang “Star Six.” Anim na estudyanteng ang gaganda at kay gagwapo—mala prinsipe at prinsesa sa eskwelahan na ito. Naghahari-harian at feeling nila isa silang mga anito o santo na dapat naming sambahin. Naiirita ako sa kanila.

At mas naiirita ako dahil inilayo nila sa akin ang lalaking mahal ko.

Tanga ang mga taong umiibig.

Nasayang ang buong highschool life ko dahil sa bwiset na puppy love na yan na ngayon eh mukhang hindi na lang yata basta puppy love. Nakaka bwiset isipin na kahit sa malayo mo na lang tinitingnan ang taong yun, pwede pa rin pa lang mas lumalim yung nararamdaman mo para sa kanya.

 Binigyan ko ng quota ang sarili ko. Hanggang Senior Year ka na lang pwedeng mag-mahal sa kanya. Pagka-graduate mo, kakalimutan mo na siya.

Pero hindi ko ine-expect na may mangyayari pa pala sa pinakahuling taon ko sa Prince Academy.

Ako si Arcie Morales, eighteen years old.  At sa huling taon ko sa Prince Academy, naging magulo ang buhay ko nang mapaligiran ako ng mga taong, gaya ko, umibig at nagpakatanga. 

Comments & Reviews (2586)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Media

My Prince

Cast

Nagasawa Masamias Arcie Morales
Miura Harumaas Jiro Festin
Koike Teppeias Ren Salvador
Kitagawa Kiekoas Amber Lopez
Sato Megumias Yanna Scott
Mukai Osamuas Lance Victorino
Aragaki Yuias Michelle Rhias
Hayami Mokomichias Justin Mendrez

Who's Reading

Recommended