HDDL 15 - Date

203K 1.9K 76
                                    

Chapter 15

>>>Cleo's POV

"Bakit ba kailangang ako pa ang isasama mo? Nandyan naman si Candice,"nakasimangot na reklamo sa kin ni Sapphire habang nagwawalis. Kanina ko pa sya kinukulit na samahan ako papunta kina Harry. 4pm ang usapan namin. Meryenda daw hanggang dinner ung sabi nya. Susunduin na lang daw kami dito sa bahay. Sya rin kasi nagsabi na isama ko ung mga kaibigan ko.

"Pagod si Candice. Alam mo namang galing sa duty un. Hayun nga at tulog na. Tsaka kilala mo naman na sina Harry at si Ma'am Caroline,"paliwanag ko. Dapat si Candice talaga ung isasama ko pero sobrag napagod daw sya kanina kaya si Sapphire na lang daw ung kulitin ko.

"Wala akong kilalang babaero,"nakaingos na sabi nito.

Natawa lang ako sa kanya. Ang init kasi ng dugo talaga nito sa mga lalaki. Para kasi sa kanya, lahat ng lalaki, babaero. Perhaps, it is because of those men she trusted and loved were all polygamous, starting from her father down to her first love.

"Hindi naman babaero ung tao eh at isa pa, hindi mo naman kailangang makipag-usap kay Harry eh. Nandun naman si Ma'am Caroline,"

"Cleo, ano ba sa salitang ayoko ang hindi mo maintindihan?"nakataas na kilay na sabi ko. Inilapag pa nya ung hawak na walis.

"Oo na. Wag mo na ko samahan. Bahala na si Batman kung ano mangyari sa kin,"pangongonsensya ko. Lihim akong napangisi. Blackmail is our last resort when it comes to Sapphire. Madali kasi syang pumayag sa min pag un na ang ginagawa namin tatlo. So far, hindi pa kami pumapalya.

"Aish! Oo na. Oo na. Pero wag mo akong sisihin pag nasuntok ko nang wala sa oras ung babaerong un ha?"nakasimangot na sabi nya.

Natutuwang niyakap ko sya. "Thank you,"

Kumalas sya sa yakap ko,"Kahit ayoko sa lalaki, hindi pa naman ako nagpapalit ng gender kaya pwede, wag yumakap basta-basta,"

Tawa lang ung sagot ko sa sinabi nya. Buti na lang pumayag sya. Nakakailang din namang pumunta kina Harry eh. Eh ayoko ko namang sumira sa usapan namin at isa pa, ice cream un, my ultimate weakness.

***

>>>Exer's POV

"Anak, san ka pupunta? Hindi ka naman duty ngayon hindi ba?"nagtatakang tanong ni Mama sa kin. Kakababa ko lang kasi mula sa kwarto. Naabutan ko sina Mama at Papa na naglalambingan sa sala. My parents is the epitome of true love. Kahit na matagal na silang kasal, kung umasta sila para pa rin silang nasa honeymoon stage. Si Papa, seryoso yan kadalasan lalo na pag nasa trabaho pero pag nandyan si Mama, laging nakangiti. Maliit pa kami, nakagisnan na namin kung pano nila lambingin ang isa't isa.

Sa bahay pa rin sya ng magulang nya kadalasan tumutuloy kahit na may condo unit sya. Hiling kasi iyon ng Mama nya. Tsaka na daw sya tuluyang bumukod kapag may girlfriend na sya na ipapakilala.

"I need to go to Blake's house. May aasikasuhin lang kami,"sabi ko. But the truth is, Blake doesn't even know that I'm going in their house.

"Pero tumawag si Blake kani-kanila lang. Tinatanong nya kung pwede ka ba daw pumunta sa kanila. Nakalimutan ka daw nyang sabihan kahapon,"painosenteng sabi ni Mama.

Lihim akong napamura. Nahuli kasi sya na nagsisinungaling. Nakalimutan kong alam ni Mama kung nagsisinungaling kami o hindi.

Bago pa ko makasagot, ngumisi na si Mama,"Kidding but I got you there, Kuya,"natatawang sabi ni Mama. 'Kuya' ung endearment nya sa kin.

Bumaling sya kay Papa na nakangiti lang sa kakulitan ni Mama. "I told you, honey, our eldest is in love,"

"Ma, I can hear you. And I'm not in love,"saway ko sa kanya. Pero pagkasabi ko nun, a beautiful face of a certain woman crossed my mind as if telling me the otherwise.

Hot Doctor's Destined Love(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon