60: Suntukan

161K 2.9K 106
                                    


Ang intense pala kapag nakapanood ka ng nagsusuntukang lalaki. Nakakatakot na nakakakaba. Feeling mo, ikaw ang nasasaktan para sa kanila.

Last recess, nagkagulo kanina sa cafeteria nang makarinig kami ng mga boses na nagsisigawan. May nag-aaway raw. Nang maki-usyoso kami ni Deane, nakita namin na si Kasper pala 'yung may kasuntukan na isa ko pang kaklase na sa pagkakaalam ko ay kabarkada niya rin—si Eliseo.

May tumakbo na para magtawag ng guard at teachers, pero laking gulat ko nang mawala na rin sa tabi ko si Deane para awatin 'yung dalawa. Pero sira ulo din talaga itong si Eliseo, dinamay niya na rin si Deane at sinapak ito sa mukha!

Mabuti na lang, dumating na ang mga school guards. Saka pa lang din ako nakalapit kay Deane pero pagtingin ko, dumudugo na ang gilid ng labi niya. Agad din silang dinala sa Principal's office imbes na unahing gamutin muna ang mga sugat nila sa infirmary.

TO BE CONTINUED...



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon