Update #2

97 8 14
                                    

Update #2

Naligo at nagbihis ng komportableng damit si Ahra pagdating niya sa bahay. Binuksan niya ang laptop para magresearch tungkol sa mga naunang lessons nila. Ayaw niyang mahuli bukas sa discussion at gusto niyang magpa-impress kay Kwangmin.

Ilang sandali pa, nakaramdam siya ng inip kaya nagbukas muna siya ng facebook account. Napangiti siya ng makita na nagfriend request sa kanya si Kwangmin pero napasimangot siya dahil pati si Youngmin may request din. Ganun pa man, parehas niya itong inaccept at sinimulan niyang istalk ang account ni Kwangmin. Bihira lang ito magpost. Mukhang hindi mahilig sa social media si Kwangmin.

Naisip niyang tingnan din ang account ni Youngmin baka sakaling may malaman siya tungkol kay Kwangmin. Hindi naman siya nabigo dahil maraming photos ni Kwangmin ang napasama sa posts ni Youngmin. Nagsave pa siya ng photos ni Kwangmin para matitigan niya.

Babalik na sana siya sa research niya ng may magpop-out sa messenger niya.

Kwangmin: hi

Bigla na namang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Medyo nataranta siya. Ano ba ang irereply niya?

"Hello" kahit gusto na niyang magtanong, pinilit pa din niyang wag mahalata na excited siya sa pagmemessage nito.

Kwangmin: nakauwi ka na?

"Yep." Matipid niyang sagot pero halos halikan na niya ang screen sa paghihintay ng reply ni Kwangmin.

Kwangmin: ah, just checking para sure kung nakauwi ka ng safe

'Kyaaaaaaaa!' Gustong sumigaw ni Ahra sa kilig! Concerned si Kwangmin sa kanya!

"Ok naman ako. Ikaw?" Tanong niya.

Kwangmin: ayos lang. Salamat pala kanina sa ballpen ha.

Magrereply na sana siya ng may isa pang nagmessage sa kanya.

Youngmin: ako din salamat sa ballpen at papel. Sa uulitin ;)

Nagulat siya sa message ni Youngmin. Bakit parang alam niya ang usapan nila ni Kwangmin.

"Wala ng next time! Buset! Pero salamat sa libreng pamasahe kanina." Reply niya. Kahit naman ayaw niya sa tao, naapreciate naman niya ang mga bagay na dapat iappreciate.

Youngmin: magksama kami ni Kwang! Dito siya nagreresearch sa bahay namin para mabilis net. Mainggit ka, kasama ko sya!

"Ha? Bat naman ako maiinggit?!" Reply niya na halos masira na ang keyboard sa pagtype niya.

Youngmin: kunwari ka pa alam ko naman pinagpapantasyahan mo si Kwang hehe

"Sabi nang wala akong gusto kay Kwangmin!" Depensa niya. Sa pakikipagtalo niya kay Youngmin nakalimutan niyang replayan si Kwangmin.

Sunud sunod na pala ang message nito at akala ay busy na siya kaya nagpaalam na din. Nanghinayang tuloy siya dahil gusto pa sana niyang kausap si Kwangmin pero ayaw naman niyang pabalikin at parang halata siya masyado.

"Hoy tama na busy na ko!" Nireply na lang niya kay Youngmin para hindi na siya guluhin. Buti naman at tumigil na ito sa pangtritrip sa kanya.

Kinabukasan, excited na pumasok sa school si Ahra. Ngayon makakapagparticilate na siya sa discussions nila dahil nabasa na niya ang mga nadaanang chapters ng mga kaklase niya. Mamaya pag-uwi, plano naman niyang hiramin ang notes ni Kwangmin para may lecture din siya. Sa isip niya, may chance ulit siyang makausap ito ng matagal at baka may madiscover pa siya sa notes nito.

Napabilib ni Ahra ang professors nila sa pagsagot niya sa discussions. Para naman kay Ahra, isa lang ang reward na gusto niya, ang maimpress sa kanya si Kwangmin. Aminado na siya sa sarili na crush nga nya ito. Hindi naman kasi mahirap magkagusto sa isang tulad niya na mabait, gwapo, magalang at may pagkamisteryoso pa!

My Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon