Chapter 10

6 2 0
                                    

Pia's POV

I woke up with a start. Hmmm. Tulog pa si mama. Maya pa yan. 10:00 bumubukas ang mall eh.

Bumaba na ako at nag-asikaso. Nagluto na akong almusal, my specialty, DAING WITH EXTRA PEPPERS. Naginit na rin akong tubig for my hot chocolate. Bago ako kumain, naligo muna ako. Singing in the shower, la da di la da da da da. Nung natapos na akong maligo, nagring cellphone ko. Calling, unknown number. I answered the call.

"Hello. Sino to?" Bati ko.

"At tatanong ka pa? Di ba nakasave number mo sa phone mo?" Galit na sabi ng nasa kabilang linya. Lalaki siya. Sino ba to?

"Aba'y ba't ko naman isasave number mo?" Tanong ko.

"Naku, malilintikan ka sa akin. Di ba nasa rules ko yan?" Sabi pa niya.

"VRYKE???" Hula ko.

"Sino pa ba?" Pilosopong sagot niya.

"Ang aga-aga tatawag ka. Sinisira mo araw ko." Inis kong sabi. "Saan mo nakuha number ko?"

"Edi kay Ms. Kulot." Sagot niya. "At bakit di nakasave number ko sa phone mo?"

"Di mo naman sa akin binigay." Pagrarason ko.

"Aba'y malay kong hiningi mo sa bestfriend mong kulot."

"Oy, maganda kaya ang bestfriend ko. Bagay sa kanya ang kulot." Pagdedepensa niya.

"Parehong-pareho kayo. Tsaka wala akong sinabi g panget siya." Sabi niya. "Birds with the same feather, fly together."

"Che."

"O sya sya. Papunta na ako diyan." Dagdag pa niya.

"Ano? Hoy bawal nandito si Mama. Di ka makakapunta dito. Bawal." Sabi ko. Pero binaba niya na. Nagmadali na akong mag-asikaso. Nung nagbibihis na ako, bigla na lang may bumisina. I'm sure si  Vryke na yan. Ang ingay. Lumabas na ako at lumapit sa kanya.

"Hoy, ba't ang ingay mo? Baka magising si mama at mga kapitbahay ko." Bulong ko.

"Antagal mo kasi."

"Eh sino bang nagsabi sunduin mo ako?" Tanong ko.

"Ikaw kaya. Nandun yun sa dinagdag mong rules. Sagot niya at nilabas ang contract. I just rolled my eyes. Darn that contact.

"Nasaan si Manong driver?" Tanong ko.

"May nakikita ka bang ibang tao dito?" Pilosopong sagot niya. "Ano pang hinihintay mo? Sakay na."

"Sorry di ako marunong magbukas ng pinto ng kotse." I plastic a smile.

"Ano ka sinuswerte? Kahit nga mihirap na magnanakaw kayang buksan ang kotse." Inis niyang sabi.

"Paano kung sabihin kong may kapitbahay akong schoolmate natin." Banta ko. Tinarayan niya ako at bumaba sa kotse. Bading talaga to.

Binuksan niya yung pinto. "Bilis na." Inis niyang sabi.

Di pa nga ako tuluyang nakakapasok, pininto niya na kaya naipit ang shirt ko. Yung parteng nasa right arm ng shirt.

"Hoy naipit ang T-shirt ko." sabi ko.

"Ano ba naman yan. Kung kailan nakapasok na ako. Buksan mo na lang." Inis na inis niyang sabi. "Sinisira mo araw ko."

"Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi niyan. Ikaw nga tong sumira sa araw ko." Galit kong sabi. "Di ako marunong magbukas."

"Hay nako." He heave a sigh at lumapit sa akin. Imbis na buksan ang pinto, pinunit niya ang aking shirt.

"Ba't mo pinunit?" Galit na tanong ko.

Boyfriend kong BAKLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon