Chapter 3

2.4K 63 5
                                    

Chapter 3



"SIR, nandyan na po sina Architect." pumasok sa makeshift office ko si Drew, isa sa mga junior engineers ng aming firm.

"Sige, susunod na ako sa labas. Salamat." tinigilan ko na ang pag-tingin sa scale model nitong building na itinatayo namin sa Quezon City. Suot muli ang hard hat, lumabas na ako upang makausap ang aming Architect para sa proyektong ito.

Hindi alintana ang katirikan ng araw nang naglakad ako palapit sa isang nagkukumpulan na mga kalalakihan.

"Sir, Vincent." bati sa akin ni Architect Malijan, ang kanina pa namin hinihintay dito sa site.

Tipid na tango lamang ang isinukli ko bago kunot-noong nagtanong dito. "Architect, hindi ba napag-meeting-an na natin ang tungkol sa revision ng pangalawang palapag ng building na ito? Bakit naiba na naman? Anong nangyari sa napag-usapan natin last week? I told you to make another blueprint because of the revision."

"Pero, sir-"

"Ako ang mayayari nito sa kliyente natin, Achitect!" pigil-inis na wika ko. "Alam mong may deadline tayo."

"Kasi, sir-"

Muli ko syang pinutol sa pagsasalita nya. I don't need his buts. Hindi sya ang masusunod sa proyektong ito. Pare-pareho lang kaming bayaran sa paggawa ng gusaling ito, at ang kliyente pa rin ang masusunod. "Hindi ko kailangan ng dahilan mo, Architect. Just do as I say. Napag-usapan na ang bagay na ito, kasama ako, kasama ka, at ang mismong kliyente natin. 'Wag mo sabihin na ngayon mo pa ako bibitinin?" hindi na naitago ang inis ko sa nangyari. Kulang na lang mapakuyom ko ang aking mga palad sa galit na nararamdaman.

I can't bear to compromise our company's reputation to the Alientes. Ang Aliente ang isa sa malalaking kliyente ng kumpanya namin. And for Pete's sake, our time is running out! May deadline kami, and Architect Malijan knows that! When we say na matatapos namin ng ganitong oras ang proyekto, come hell or high water, we should finish it on time.

"Mas magigipit kasi tayo sa oras nyan, sir. Kung susundin pa natin ang sinasabi nila-"

"D@mn it, Malijan! You know very well our job! Kapag sinabi ng kliyente na ganito, ganyan, we have to accede no matter what! They're paying us, Architect. So even if they're asking for an imposible time frame, wala tayong magagawa. Kahit alam mong imposible, kahit alam mong kahit hindi na tayo matulog, wala tayong magagawa. They are the clients and we are here for the job." binigyang-diin ko pa ang huling salita. "Kaya nga diba ang mga Engineers at Architect ay mga magicians din? Dahil kahit imposible ang time frame, kailangan natatapos pa rin natin sa tamang oras."

Ilang sandaling natahimik ang mga kaumpok namin. Wala ni isa man ang nagtangka na mas kontrahin ang sinabi ko. They know I am right, I got the point. This is our job. Sobrang stressful to the point na natural na lang sa amin ang mga ganitong klaseng maiinit na usapan.

Tinapik ko ang balikat ni Architect Malijan. "I need the revision ASAP."

"Yes, sir." sumusukong sagot ng aking kaharap.

Isa-isa kong tinanguan ang aming mga kapulong sa pagkakatayong ito bago tuluyang lumayo sa kanila. Dinukot ko ang cellphone sa aking bulsa at nag-dial ng numero. I badly need to hear her voice. Kapag ganitong mainit ang ulo ko, idagdag pa ang stress, sya lang ang may kakayahan na pasayahin ang aking paligid.

"Hi, babe." bati ko nang sumagot ito sa kabilang linya. Napangiti ako nang marinig ko pa ang paghikab nito. Hindi ko tuloy napigilan na hindi mapasulyap sa aking wristwatch. Eight fifteen A.M. "Good morning, pretty."

My Provocative GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon