Chapter Two

114K 2.3K 142
                                    

 Chapter Two

 


           "AWWWW!" Hiyaw niya habang hawak ang kanyang ulo, sobrang sakit ng utak niya—yup, hindi ulo kundi utak talaga niya ang masakit ng umagang iyon. Hindi niya alam kung nakatulog ba siya ng maayos o hindi pero parang pinupokpok ng martilyo ang ulo niya at nadurog ang utak niya sa sobrang sakit.

            "Ikaw bat aka sino ba kasi ang nagsabi sa iyong uminom ka ng uminom hayan may hang over ka tuloy may pasok ka pa mamaya." Sermon ng tita Rowena niya sa kanya. Pumasok ang isang tita niya na may bitbit na sopas, isang tasa ng kape, isang basong tubig at aspirin na pampawala ng sakit ng ulo.

            "Rowena huwag mo na ngang pagalitan iyang pamangkin mo masakit na nga ang ulo ng bata eh." Mabilis siyang yumakap sa tita Rosenda niya. "Kumain ka muna Diana at ng makainom ka na ng gamot pantanggal ng sakit ng ulo mo."

            "Thanks tita-awww!" napasigaw siya ng bigla siya nitong kurutin sa singit niya. "Tita naman eh."

            "Kumain ka na at ng makatulog ka ulit, may trabaho ka pa mamayang gabi."

            "Opo." Nagpaalam na ang dalawa sa kanya, kahit na medyo harsh sa kanya ang mga tita niya ay mahal na mahal niya ang mga ito. Pagkatapos kasing mawala ang kanyang mga magulang when she was six ay ang dalawa na ang nag-aruga sa kanya. Naisip tuloy niya ng dahil sa kanya ay hindi na nag-asawa ang dalawang tiyahin niya. Pero sabi naman ng mga ito nna mas gusto nilang maalagaan siya kaya sila hindi nag-asawa.

            Pagkatapos kumain at uminom ng aspirin ay muli siyang hinila ng antok. Ang katawan niya ay nasanay na matulog sa umaga at buhay na buhay sa gabi kaya nabaligtad ang biological clock ng katawan niya. This is the disadvantage of being a call center agent, minsan kapag nakauwi siya ng late sa dami ng kailangang ayusin sa opisina paglabas niya ng building ay sobrang taas na ng sikat ng araw, tapos iyong tipong pauwi ka pa lang pero iyong  makakasalubong mo ay papunta na sa trabaho. Iyong mga tao ay nagtatrabaho na sa oras kung kailan tulog ka.

            Pero masaya naman siya sa kanyang napiling propesyon, iyong ibang tao they look down at them kasi daw basta marunong ka lang mag-English ay pasok ka na sa trabahong iyon. Sa simula hindi talaga siya seryoso sa kanyang trabaho, sa una din tingin niya ay sobrang dali lang ng Gawain ng isang agent. Papasok ka sa gabi, uupo ka sa upuan mo kaharap ang computer mo tapos ay mag-E-english ka lang ng walang humpay and after that ay uwian na tapos malaki pa ang sweldo dahil sa night differential pay at performance based bunos na makukuha mo kung maganda ang statistics mo.

            Pero hindi naman totoo iyon, noong nagsisimula pa lang siya hindi naman malaki ang sweldo niya. She's a newbie and a call center virgin who only wants to have an experience, gusto lang niyang masubukan ang buhay ng isang agent. May communication training pa ng ilang linggo tapos ay may product training pa din, kailangan pa nilang pag-aralan ang mga systems na gagamitin nila kapag magpupull out ng account. Tapos noong nagstart na sila ng magtake ng call, akala talaga niya madali lang dahil kakausapin lang naman niya hindi ba? Pero sa totoo lang hindi naging madali ang lahat lalo na kapag may naencounter kang sobrang bobong customer na hindi ka maiintindihan tapos manghihingi pa ng supervisor samantalang sobrang liwanag naman ang pagpapaliwanag mo.

            Marami na rin kaya siyang naexperience na mga ninya moves, iyong pagmamanipulate sa phone system nila para hindi makapasok ang tawag sa kanya, at kapag nainis na siya sa kausap niya ay hihilahin niya ang plug na source of power ng kanyang monitor o ng central processing unit hindi kasi pwedeng mag-end ng call. Maraming beses na rin siyang nakikipag-away sa mga irate customers na kahit anong paliwanag ang gawin niya ay irate pa rin kulang nalang yata ay bigyan ng isang taon free service ng product nila. Kahit hindi pwedeng mag-end ng call ay napepress talaga niya ang red button na may nakasulat na end kapag naiinis na siya tapos sasabihin niya sa kanyang team leader na nagdrop call tapos kailangang magcall back kasi irate customer. At iyong number na gagamitin sa pagtawag ay maling number pala tapos ring lang ng ring, para-paraan lang.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon