Chapter Thirty Eight

796K 14.2K 855
                                    


 NAALIMPUNGATAN si Kira nang maramdaman niya ang pagpatak ng mainit na halik sa labi niya. Unti-unting iminulat niya ang mga mata. Halos lumuwa ang mata ng dalaga ng mapagtanto niyang hinahalikan siya ni Callan!

 Sa pagkabigla niya ay naitulak niya ito. "Manyakis ka talaga! Pati natutulog, hinahalikan mo basta-basta?" asik niya sa binata.

 Ngumisi si Callan. "Bakit, wala din ba akong karapatan na halikan ka?" Bumaba ang mukha nito sa tapat ng labi niya at mataman siyang tinitigan. Parang sikat ng araw na tumapat sa kanya ang kulay asul nitong mga mata, kumikislap ang mga 'yon sa kapilyuhan.

Nag-init ang pisngi niya. "W-Wag mo nga ako titigan ng ganyan."

"Why, you don't want me to see you blushing?" nakakalokong sabi nito.

"Hindi. Naduduling ako." Pinigilan niya ito sa paglapit sa kanya sa pamamagitan ng pagtulak niya dito. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya kanina. Dahil siguro sa kapwa walang umimik sa kanila kanina, pinili na lamang niya na ipikit ang mata at ignorahin ito. Muli siyang nakadama ng inis dito.

"Hindi pa tayo bati, kaya huwag mo akong malandi-landi d'yan." aniyang inirapan pa ang binata.

 He let out a delicious laugh. Tinapunan niya ito ng matalim na tingin. Matapos siyang pagsupladuhan nito kanina, hahalikan siya nito na parang walang nangyari. Idagdag pa na hindi man lang ito humihingi sa kanya ng sorry sa kanya.

"Kung iniisip mo na madadaan mo ako sa tawa, huwag kang umasa."

"Sino ba'ng nagsabi na idadaan kita sa tawa, baby ko? Hmm.."

Sumimangot si Kira. "At huwag mo rin akong tatawaging baby ko. Di na tayo mga teenagers, malandi ka." pagtataray pa niya.

 Umangat ang kamay nito at hinaplos ang pisngi niya. Inis na inalis niya ang kamay nito. "Ano ba? Di ako nakikipagharutan sa 'yo, Callan. Tumigil ka."

Nginisian siya nito. "Wala naman akong balak na makipagharutan din. Bleh."

"Bwisit. Nasaan na ba tayo?" Tumingin siya sa labas ng bintana. Nasa harap sila ng isang marangyang three storey rest house. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan nito at dumampi sa mukha niya ang malamig na simoy ng hangin. Nanghihinalang tumingin siya kay Callan. 

"Don't tell me... Wala na tayo sa Manila?"

"Well.." Pilyong ngumiti ito. "Wala na nga tayo sa Manila."

"Callan!" Nanlaki ang mata niya. "Nasaan na tayo?"

"Batangas."

Nasapo niya ang noo. "Kaya pala ang halos tatlong oras ang byahe natin! Saan tayo sa Batangas?"

"Laiya, San Juan." kaswal na sagot nito na para bang balewala lang kung mas lalong tumindi ang inis niya dito. Una, ang pagseselos nito. Ngayon, ang pagdadala nito sa kanya sa isang lugar na wala man lang pasabi. Ni hindi man lang siya nakapaghanda.

"Huwag mong sabihin na sinadya mong planuhin ito?"

Bumuga ito ng hangin. "Humingi ako ng isang linggong vacation leave kahapon. So yes, i planned this."

"Hay naku! Sinasabi ko na nga."

"At hindi mo man lang ako sinabihan tungkol sa plano mo?"

"Hindi na surpresa kung sasabihin ko sa 'yo?"

"Pero wala man lang akong gamit na dala-dala! At kung isang linggo tayong magtatagal dito, kailangan ko pang bumili ng mga susuutin ko?"

May apoy na kumislap sa asul nitong mga mata. "Hindi na naman natin kailangan magdamit kung tutuusin." The hunger in his eyes was blatant.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon