[34] Escape

439K 9.9K 893
                                    

[34] ESCAPE

 

GAIL'S POV

 

"Ang dami talaga nating pinamili..." Tuwang-tuwang sabi ko. Nakakapagod din ah! Nakakahilo rin kasi ang daming tao. Palibhasa kasi Linggo... Family day... And we're a family! 

"Oh, Carrot and Banana shake mo. Himala yata at nagrequest ka niyan? Akala ko ba ayaw mo sa veggies?" He said while grinning at me.

"Narealize ko lang naman na I have to live a healthy life... Para maging healthy si Baby Kyra! Para lumabas siyang maganda at makinis kailangan kong kumain ng fruits and veggies kahit na ayaw ko." 

"Yan, disiplinado ka na, baby love. Pfft!"

I shot my eyebrows heavenwards, "I'm well-disciplined eversince ~"

"Sabi mo eh..." 

"Miiiiiiilk! Miiiiiiiiiiiiilk!" 

Napatingin kami kay Axel. Nagising na pala. "Kurt, timpla mo siya ng milk."

"Tss... Magiging mommy ka na, hindi ka pa marunong magtimpla ng gatas ng baby." Saka niya tinulak ang stroller sa gilid. Nakaharang kasi kami dun sa stall ng 'Fruitas'. Umupo siya tapos kinuha niya yung mik powder dispenser tapos yung feeding bottle. Pinapanuod ko lang siya habang tinataktak yung milk powder dun sa bote. Tapos sinarado niya at shinake.

"Uy, diba minemeasure pa yan?" Usisa ko. Tapos na yata niyang i-shake kasi binigay niya na kay Axel.

"Nakameasure na yun. Pag nasa 5 yung tubig, 5 din yung gatas." 

"Bat marunong ka sa ganyan? May anak ka na ba?" 

He shot me his glare, "Oo, ayan oh.. In your womb... I learned about this nung wala ka pa dito. I used to volunteer in baby sitting Axel every Sundays. Stress-reliever ko kasing itong batang ito. Dahil rin sa kanya kung bakit hindi kami nakasal ni Kaye Anne noon. Nabuo kasi siya kaya inuna ng ipakasal si Ate Emerald kaysa sa amin ni Kaye Anne. 'Di ko alam pero tingin ko malaki ang utang na loob ko kay Axel."

"Axel's a blessing indeed." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Kurt looked at me and smiled, "Pero syempre, yun talaga ang nakatadhana na mangyari. Sayo lang kasi ako dapat ikasal, at wala ng iba."

"Talaga! Wala ng iba! Ang bumangga giba! Ha!" And then we laughed heartily.

"Masteeeeer!"

Napalingon kami sa sumigaw. Nagulat kami nang makita namin ang buong X10------ uhm, minus Kurt... so X9 lang pala... together with Kurt's dad? 

"Hey, master! Dito pala ang punta niyo?" Brent said as they got closer to us.

"Hey, dad..."Bati naman ni Kurt sa Daddy niya. Ako naman ay kumiss sa kanya.

"Nagshopping kayo?" Tanong ni Dad.

"Yep, for our baby and for her... maternal clothes and stuffs." Kurt replied proudly.

"Oh, I see. Hindi pa naman kayo sigurado sa gender ah. Girl na ba talaga?"

"Yes po... Girl na talaga... Confirmed!" Sabat ko sa kanila.

"Wow, that's a great news!" Masayang sabi ni Dad. Yey! Great tologo! 

"Yooooown! Oh, nasaan ang limang libo namin ni Derrick?... Kaming dalawa lang yung nagsabi na girl yung baby hahaha! We won the bet..." Wayne exclaimed. Mukhang balik na siya sa pagiging totoy bibo. ^u^

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon