Chapter Forty

71.8K 1.5K 74
                                    

Chapter Forty


            NAPANGITI nalang siya ng makitang masayang-masaya ang daddy niya habang kausap nito si mommy. This is the scene she love the most, ito iyong nakikita niya noong bata pa siya kaya nga naniniwala siya sa love, happiness and forever. She thought na kung magiging mabuting bata siya ay magiging katulad din siya ng kanyang mommy na makakahanap ng prince charming na magpapasaya sa kanya. Pero hindi pala ganoon kadali sa totoong buhay, ilang beses na siyang nasaktan at nadisappoint. Kaya nga ngayon hahayaan na niya ang mommy niya ang magdecide sa parting iyong ng buhay niya.

            "Pwede ng makauwi at makapagpahinga sa bahay si Aiden pero hindi siya pwedeng maistress. Kung anong gusto niya pagbigyan niyo nalang para sa ikakabuti niya pero hindi pa rin siya pwedeng kumain ng mga pagkain na ipinagbabawal." Paalala ng ninong Landon niya na tumatayong attending physician nito.

            "Xyler, sa bahay ka uuwi hindi ba?"

            Tumango siya sa ama, "Yes, dad. Mas malapit sa opisina ang bahay." Balak sana niyang magrent ng apartment o condo na malapit sa opisina ng daddy niya nagkausap na rin sila kanina. Hindi na pwedeng magtrabaho ang ama niya dahil sa sakit nito and since siya ang nag-iisang anak na pwedeng humalili dito kaya wala siyang choice kundi ang akuin ang posisyon ng ama niya.

            Bukas ay magsisimula na siya sa kanyang trabaho, ang trabahong ilang beses na niyang tinanggihan pero sa bandang huli sa kanyan pa rin pala babagsak. She will be busy for the next few days or weeks until her wedding day. Kung bawat minute ba naman silang nag-uusap ng mommy niya tungkol sa kasal niya sino ba ang makakalimot? Mas mabuti na sigurong may distraction siya.

            "That's good tomorrow is Xyler's engagement to her future groom." She rolled her eyes when her mom mentioned it. "I'll invite our friends, I am really happy."

            Tiningnan lang siya ng ama niya na para bang humihingi ito ng tawad, she didn't say anything dahil ngayong nakikita niya ang mommy niyang masaya sino bang anak ang gustong sirain ang saya nito. At saka ayaw niyang malaman ng daddy niya na ang kapalit ng pagbalik ng mommy niya sa buhay nito ay dahil sa pagpayag niya na makasal sa lalaking hindi pa niya nakikilala.

            "Are you okay with this ate?" bulong ni Xancho na seryosong-seryoso na nakaupos sa tabi niya. "You still have time to back out."

            "I am sure Xanch, this is for our family. Hindi ka ba masaya na nakikitang magkasama na uli silang dalawa?" tukoy niya sa kanyang mga magulang.

            "I don't know whether to be happy or not, mas mabuti sigurong hindi ka nalang muna bumalik."

            Kumunot ang noo niya at saka tumayo, she doesn't like this kind of conversation. "Come with me, magkakape lang tayo." Yaya niya sa kapatid niya. Nagpaalam silang dalawa sa mga kasama sa room ng ama niya at naglalakad sa corridor. "What do you mean by hindi na muna ako bumalik?"

            "I didn't mean anything ate, you are marrying because of mom right?"

            "I need to for our family, itutuloy ni mommy ang annulment, masasaktan si daddy. May taning na rin ang buhay ni dad walang matinong anak na gustong sirain ang buhay ng mga magulang niya."

            "Wala ding matinong magulang na pinaiikot ang anak nila."

            "Ano iyon?"

            "I think I need a cup of coffee," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "May vending machine doon, dito ka lang. Hindi ka pwedeng pakalat-kalat sa hospital baka makidnap ka, hindi ka dapat nagsusuot ng mga maiiksing damit ate." Tukoy nito sa suot niya.

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon