chorus **

373 20 1
                                    

Cupid X Psyche

short story by toneewritestragedies

Chorus //

- x x x x x x x x x x -


It's been more than three months when Psyche and I started our game. So far, so good naman. Wala pang expiry ang date namin dahil wala pa namang natatalo, at kung wala pang natatalo of course, wala pa ring nananalo! Haay, I'm actually looking forward who wins and loses to this game and besides, I'm really enjoying what we have right now. Sa ayaw at sa gusto ko, nakakahiya mang sabihin eh naging friends na rin kami ni Psyche. Actually frienemies nga e. Minsan friends kami, minsan super bad enemies!

Sinabi ko sa kanya na sunduin niya ako sa flat ko ngayon dahil magde-date kaming dalawa. Are you going to believe that he asked me for this date? Nakakatuwa 'di ba? Dahil magandang-maganda na ako at masyado nang superlative sa kagandahan 'yun, nag-light make up na lang ako para ma-enhance ang ka-dyosa-han ko. I wore a cute top, a skirt and doll shoes - ewan ko na lang kung hindi pa siya ma-inlove sa akin. LOL.

Nag-vibrate ang cellphone ko at pagtingin ko, si Psyche ang nagtext.


From: Psyche Suplado

Message: Nandito na ako. Bumaba ka na.


That's the cue I've been waiting for. Kinuha ko na 'yung pouch ko tapos lumabas na sa flat ko. Mas okay nang siya na ang mag-antay kesa ako ano. I'll be looking pathetic and too excited if I'm going to do that.

"Hey!" I greeted him then I wrap my arms around his neck and kissed him lightly on his lips.

"Let's go." he smiled at me then we got into his car.

O 'di ba, kung dati sobrang lokang-loka ako sa paghalik niya sa akin, ngayon parang wala na lang sa aming dalawa na magkiss because we're already get used to it. I'm really crazy to tell you guys that he's my first kiss. Yes, he is. Kaya ganoon na lang ang reaction ko noong second stanza dahil siya nga ang kauna-unahang lalaking nakahalik sa akin. Pero ngayon, deadma na lang kasi afterall we're having a game right? So keri lang ang kiss and making out.

Nagpunta kami sa Eastwood para mag-gala. Lakad dito, lakad doon. Selfie lang at kung anu-ano, nag-shopping din kami.

"Ano'ng mas bagay sa akin, babe? Itong pink na dress o itong off-white?" tanong ko kay Psyche habang pinagsasalit-salitan ko 'yung pagpatong sa damit ko 'yung dalawang dress.

"Kahit ano dyan, ikaw bahala." wala-sa-loob na response niya sa akin habang busy siya sa paglalaro sa cellphone niya.

Sa inis ko, hinablot ko ang cellphone niya at tinago sa likuran ko. Napasinghap siya tapos sinamaan ako ng tingin.

"Ano ba, Wendy! Nakita mo na ngang naglalaro ako e! Akin na 'yang cellphone ko!" inaabot ni Psyche 'yung phone niya tapos binigay ko rin naman. Nakakaasar naman kasi siya. Busyng-busy sa paglalaro. "Ano bang problema mo?"

Inirapan ko siya. "Kasi tinatanong kita kung anong mas bagay sa akin, hindi ka sumasagot ng maayos!"

"Andyan ka na naman sa tantrums mo, Wendy. Para kang bata. Umayos ka nga."

Whuuut?! Parang bata? What the fuck what is he saying? Nakakainit siya ng ulo! "Nakakainis ka!" tinalikuran ko siya tapos ibinalik ang dalawang dress sa kinalalagyan nito kanina. Sa katabing boutique na lang ako bibili. Hmffff!

Nagmartsa na ako palabas ng store nang magsalita uli si Psyche. "Kahit naman kasi anong isuot mo, ikaw pa din ang pinakamaganda."

Natigilan ako sa sinabi ni Psyche. Now, that's really a hell of a fuck what he said! Naglakad ako ng paatras tapos kinuha ulit 'yung pink and blue dress at saka dumiretso na sa cashier at binayaran 'yun.

Whew~! Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Leche, ano bang nangyari sa akin e natural lang namang magcompliment siya sa akin dahil ang ganda-ganda ko 'di ba?

- x x x x x x x x x x -

Pagkatapos naming mag-shopping, I mean, pagkatapos KO pa lang mag-shopping, nag-decide na kaming kumain sa Tokyo Bubble Tea. Saglit lang naman kaming kumain kasi nag-milk tea lang kami then sandwiches. I'm dieting, just to let you know. I wanna be fit, fab and sexy!

Nagro-roam around lang kami sa paligid ng Eastwood Mall nang mapansin ko na ang daming girls na nakatingin kay Psyche. I know he's good looking pero I didn't know he looks hot and more interesting as the days go by. May nagbago ba kay Psyche?

Napansin kong hindi pala kami magkaholding hands! Kaya iniisip ng mga girls na 'yan na free si Psyche dahil akala yata ng mga 'to na friends lang kami! Grrr! Naglakad ako palapit sa kanya at ni-warp ko 'yung braso ko sa braso niya. Lumingon naman siya sa akin at binigyan ako ng WTF? look. Eh kung hampasin ko na kaya siya?

He gave me a weird look. "Nilalamig ka?"

I just snorted. "Porket sumiksik lang sa'yo, nilamig na agad ako? Hindi 'no."

"Eh ba't bigla kang dumikit sa'ken?"

"Those bitches are eyeing for my boyfriend. Would you think I am comfortable as your girlfriend seeing that?" I reacted.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. Nakatingin lang siya sa mga mata ko in a serious way yet I'm looking him with anxiety.

He didn't say anything then he move towards me closely like a heartbeat. He cupped my face using his two hands and kissed me lightly on my forehead.

Damn, ako na ngayon ang hindi makapagsalita.

There's really something wrong and if you're asking me what is it then I don't know. Parang may sasabog sa may kaliwang part ng dibdib ko and it drives me crazy.

Cupid X PsycheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon