56: Date

161K 3.1K 142
                                    


May nakarinig pala noong nag-uusap kami ni Kasper kahapon pero kulang 'yung narinig niya sa usapan namin kaya maling chismis ang kumalat. Inaya ko raw si Kasper na makipag-date sa kanya sa Sabado. Napa-WTF na nga lang ako!

Pero nasanay na ako sa mga chismis na 'yan. Kapag pinigilan mo, lalong kumakalat. Lalong nagkakakumplikasyon. Sabi naman ni Kasper, pabayaan na lang namin dahil pasasaan pa at lalabas din ang totoo. Tama nga naman! At hindi namin kailangan mag-explain sa kanila. Hindi kami mamamatay sa maling chismis nila.

Medyo nakakainis lang talaga. Bakit kaya hindi nawawala ang mga taong gustong gumawa palagi ng issue para mapasama ka? Anong napapala nila? Ikinabubuti ba nila 'yun?



Lovelife? Ano 'Yun? ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon