CHAPTER 19: MALAPIT NA

50K 1.1K 373
                                    

CHAPTER 19: MALAPIT NA

AFTER 3 MONTHS

TWAYLEM

Halos 3months ko ng hindi nakikita si Tao. Akala ko nung una hindi ko kayang mag move on, pero nag kakamali ako.. Kinaya ko yun, salamat kay Danger. Hindi kami nag aaway ni Danger, nag aaway man kami siya lagi yung humihingi ng sorry.

Pero ang pinaka worse na part, yung napapadalas ang pag sta-stay ko sa hospital. Halos hindi na rin kase ako pumapasok ng L.A, sinasabi ko nalang excuse nasa U.S ako. Si Danger lang ang may alam, at ayokong sabihin niya yun kina Donald, dahil hindi ko pa kaya.

''Twaylem..'' pagkabukas ng pinto bumungad sa akin si Danger. May dala itong mga prutas.

''Kamusta ka na?? Sinunod mo ba yung sinabi ng doctor??'' siya kase yung kasama ko madalas sa hospital lalo na pag wala si Daddy.

''Kamusta sina Donald?? Miss ko na sila. Bukas papasok ako, gusto ko silang makita habang malakas pa ako..''

''Hindi pwede, huwag matigas ang ulo. Ang sabi ng doctor magpahinga ka.. Bawal kang mapagod.'' inayos niya yung pag kakahiga ko at kinumutan pa ako.

''Nandun ka naman e, babantayan mo naman ako diba??'' napakamot nalang ito bigla sa ulo.

''kahit anong sabihin ko hindi ka talaga makikinig. Susubukan kong ipag-paalam ka sa doctor mo.'' ngumiti ako at yinakap ito.

''maraming salamat! Love you..''

''Love you ka diyan.. Love you too.. Matulog kana. Bukas papasok ka pa.''

Siguro panahon na para sabihin ko sakanila yung totoo.. Bago pa mahuli ang lahat.

DONALD

''Sure ako na dito! Dahil dito laging nakikitang pumupunta si Danger!'' sabay turo ni Dylan dun sa hospital. Napapansin kase namin na lagi itong nawawala at pumupunta kahit saan. May importante daw itong alagaan, minsan paulit-ulit na yung hindi na kapani-paniwala.

Tinatanong naman namin siya kung ano yun, pero no comment lang siya.

''sino kaya yung dinadalaw niya??'' tanong Kyd.

''Basta! Puntahan nalang natin siya. May kutob kase ako na parang may tinatago siya sa atin.'' sabi ko naman, kami lang tatlo ang sumunod sakanya, dahil yung iba may kanya-kanyang monkey business.

Dire-diretso kami dun sa hospital, at inutusan namin si Dylan na itanong kung sino nga ba yung dinadalaw ni Danger dito. 3months na kasi siyang ganyan. Ata nakakapag-taka na.

''Fifi, kinakabahan ako.''

''Bat ka naman kinakabahan??? Huwag kang O.A bakla kung ayaw mong i ngudngod kita diyan.'' cold na pagkasabi ni Kyd. Pero bakas din sa mga mukho ng dalawang to yung kinakabahan sila. Pero bakit naman???

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon