[ 37 ] Hate

47.1K 462 94
                                    

Chapter 37: Hate

Pagkauwi ni Jin sa tinitirhan ay agad siyang humiga sa kama. Napagod siya dahil halos buong araw silang magkasama ni Gab at gumala sila ng gumala. Sobrang saya niya na makasama ulit ang lalaki na minsan niyang minahal ng sobra. Alam niya na may nararamdaman pa siya para sa lalaking iyon pero ayaw niyang madaliin ang mga bagay bagay. Kahit na masaya siya, may kaunting lungkot pa din siyang nararamdaman dahil sa nagawa niya kay Terrence. Pakiramdam niya, ang sama sama niyang tao. Napabangon si Jin nang marinig ang door bell. Agad siyang pumunta sa pinto at sinilip sa peephole kung sino ang nandoon, si Mika.

'Ano’ng gagawin ko ngayon?' tanong niya sa sarili niya.

Nakiusap sa kanya si Mika na tuluyan na lang siyang umalis ng bansa pero hindi niya iyon ginawa. Hindi niya tuloy ngayon alam kung ano ang mga sasabihin niya dito matapos ang ginawa niya dahil sigurado siya na galit ito.

"I know you're there. Open the door," narinig niya na boses ni Mika mula sa labas.

Naisipan niya na 'wag na lang sana itong pagbuksan at magkunwari na lang na walang tao pero mukhang alam nito na nandoon siya kaya binuksan niya na ang pinto. Sinalubong siya ng isang malakas na sampal galing sa babae na nasa harap niya. Napahawak na lang siya sa pisngi niya.

"Hindi mo ba ako papapasukin? Do you want everyone who will pass by see us fight here?"

Binuksan ng buo ni Jin ang pinto. Dire-diretsong pumasok si Mika at naglakad papunta sa glass window saka tumingin sa labas.

"Paano mo nalaman na nandito ako? Bakit ka nandito? What do you want this time?" sunod sunod na tanong ni Jin.

Humarap si Mika kay Jin at tiningnan siya ng deretso sa mata.

"Take it easy, dear. Isa lang ako. I’ve been waiting here for almost an hour. I saw you coming inside so I know you’re here."

"Hindi mo nga kayang maghintay ng fifteen minutes lang pero hinintay mo talaga ako ng halos isang oras? Siguro kailangan mo nga talaga akong makausap. What is it all about?"

"You don't even know why? Stop acting so pure and innocent because you are not!"

Nilapitan siya ni Mika. Inis na inis na si Mika sa mga inaasta ni Jin. Aminado siya na masama ang ugali niya pero para sa kanya, mas masama si Jin. Dahil siya, pinapakita kung ano talaga ang ugali niya habang si Jin ay itinatago ang baho niya. Pinapakita nito sa lahat na mabuti siyang tao pero may tinatago pala itong kasamaan.

"I'm tired of all your games, Jin. Simula noon, kilala ka ng lahat bilang isang mabait na tao pero alam ko naman na hindi 'yon totoo. Kahit noon pa man, masama na ang ugali mo. Gusto mo, sa 'yo lang ang lahat pati nga ang lahat ng lalaki, gusto mo sa 'yo din. Si Zeke, si Terrence, si Gab at pati na din siguro si Vince kung hindi mo siya half-brother! Hindi na ako magtataka kung pati sina Steven at Spencer agawin mo din kina Aine at KL! Malandi ka!"

"Tama na!" sigaw ni Jin.

Kanina pa nagpipigil ng galit si Jin. Alam niyang hindi totoo ang mga binibintang sa kanya ni Mika at sumosobra na ito. 

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon