Chapter Five: Confession

28.9K 424 68
                                    


Nang mag-uwian ay hindi na sumabay si Mei-Mei sa kuya niya at kay Shaine. Halata naman kasi na parang nanggaga-laiti na sa kanya si Damon dahil nakakahalata na yata ito na sinosolo niya si Shaine palagi. Kaya naman noong nasa labas na sila ng gate ng school ay nagpaalam siya na hindi siya sa-sabay sa dalawa.

"Bakit hindi ka sasabay, Mei-Mei? Saan ka pupunta? Hindi ba ako puwedeng sumama sa 'yo?" tanong ni Shaine na parang ayaw umalis na hindi siya kasama.

"Wala naman. Gusto ko lang kasing gumala muna ngayon kasama iyong mga old friends ko. Nasa loob pa rin sila ng school kaya susunduin ko lang. Hinatid lang talaga kita, Ate Shaine sa labas ng gate para masabihan si kuya na samahan ka. Mauna na kayo ni Kuya Damon," baling niya sa kapatid at binigyan pa ito ng senyas na ito na ang tamang pagkakataon para masolo nito si Shaine.

"Sasama na lang ako sa 'yo," pamimilit pa rin ni Shaine.

"Huwag na! Ngayon lang kami magkakasama ulit na magkakaibigan at hindi mo naman ka-close 'yong mga 'yun kaya baka ma-out of place ka lang. Isa pa, alam ko pagod ka na, e. Sige, Kuya Damon! Ihatid mo siya, ah! Ba-bye!" sabi pa niya saka tumakbo na papasok sa loob ng gate ulit na palayo naman sa dalawa.

Gusto pa sanang humabol ni Shaine pero wala na rin itong nagawa. Mabagal na naglakad papasok ulit sa loob ng gate ng school si Mei-Mei. Hindi niya mawari kung bakit nga ba mabigat ang loob niya. Ginawan na niya ng paraan para masolo ulit ng kuya niya si Shaine katulad ng dati. Iyon lang naman talaga ang misyon niya, ang paglapitin ulit ang mga ito. Hindi nga lang niya nalaman kung sino ba talaga ang to-toong mahal ni Shaine. Naiisip niya na baka si Damon lang din iyon. Wala naman kasing ibang lumalapit na lalaki kay Shaine sa tuwing magkasama sila. Walang naglalakas-loob kahit halatang-halata na maraming nagkakagusto rito.

Nasa friendzone sina Damon at Shaine kaya sigura-dong mahihirapang magtapat ng pag-ibig sa isa't isa ang da-lawa. Hindi magtatagal ay magiging mag-jowa rin ang mga ito. Hindi lang niya maintindihan sa sarili kung bakit parang sumisikip ang dibdib niya kapag naiisip iyon.

"Uy, iyong babae!" sigaw ng isang lalaki na naglalaro ng basketball.

Saka niya namalayan na kakalakad niya ay nakarat-ing na pala siya sa oval ng school at dahil kanina pang na-katulala ay hindi niya namalayan kaagad ang papalapit sa kanyang bola.

Nataranta siya nang makitang malapit ng lumipad papunta sa mukha nya ang bola at masyado nang mabilis ang pangyayari para makaiwas pa siya. Nang bigla na lang may humilang lalaki sa kanya mula sa kung saan kaya naiiwas niya ang sarili at sa likod lang ng lalaki tumama ang bola.

Napanganga ang lahat ng mga tao na nakasaksi sa pangyayari. Para bang tumigil sa paggalaw ang mundo at biglang lumakas ang tibok ng puso niya nang masilayan ang guwapong mukha ng lalaking nagligtas sa kanya.

Mayroon itong swabe look. Taas-taas ang buhok nito na pinataas ng gel. Maputi ang lalaki at may pagkachubby ang mukha. Makapal ang kilay nito at mahaba ang pilik mata na titig na titig sa kanya. Medyo tabingi ang ilong nito pero matangos pa ring tingnan iyon. At ang mga labi nito na me-dyo may kakapalan. Parang nag-aanyaya na halikan niya! Na-papikit siya saglit sa huling naisip niya. Nagkakatitigan silang dalawa at pakiramdam niya, lahat naglaho sa paligid nila. Pati si Shaine na gumugulo sa isipan niya ay naglaho rin. Naka-kabingi ang lakas ng tibok ng puso niya. Ito ba ang love at first sight? Bulong ng isipan niya. Parang naging tagsibol ang buong paligid niya.

Wala sa tipo niya ang mga lalaking medyo may kalii-tan katulad nito pero pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay ang lakas ng dating nito.

"Ayos ka lang ba? Pasensya ka na sa mga ka-grupo ko. Hindi ka ba nasaktan?" malumanay na tanong nito.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon