Kabanata 29

1.8M 48.1K 14K
                                    

Kabanata 29

Hindi Lang Baka Sakali

Pagkatapos ng isang linggo ay bumalik sina mama at papa galing Maynila. Anila'y may pag-asa silang makalabas ng bansa papuntang New Zealand.

Pero di ako sigurado kung gusto ko pa bang bumalik ng Maynila. Totoong gusto kong mag college pero di ako sigurado kung kaya kong... umalis dito ngayong araw araw akong binibigyan ni Jacob ng bulaklak.

Kahit walang nakakaalam ng panliligaw na ginagawa niya sakin, masaya parin ako.

"Babalik kami bukas ng Maynila. At naku! Kung swertehen tayo baka sa susunod na term ng 6th year mo, Rosie ay makakabalik ka na sa dating school mo. Hmmm. Well, unless kung gusto mong manatili dito?" Tumaas ang kilay niya.

"Ba't naman ako mananatili dito?" Tanong ko.

"Syempreee... Para kay Jacob!" Tumawa siya.

"Ma naman eh!"

"Ayaw mo nun? Kung magiging kayo na nga, yayaman na tayo. Baka di na kami kailangang bumalik ng New Zealand!" Sabi ni Mama.

"Ma!" umirap si Maggie. "Ang sama mo! Manggagamit!" Seryoso ang pagkakasabi ni Maggie nun pero tumawa lang si mama na para bang nagbibiro si Maggie.

"Well, good for you, Mag. May James ka na!" Kumindat si mama kay James.

Oo, nandito si James sa tabi ni Maggie kaya inis na inis si Maggie kay mama. Ngumiti naman si James na para bang sanay na siya kay mama.

"Ang ibig kong sabihin... wala namang nag hihintay kay Rosie doon sa Maynila diba na may ilalaban kay Jacob? Gwapo, mabait at mayamang bata si Jacob. Wala ka naman sigurong iniwang boyfriend sa Manila si Rosie, diba?" Tumaas ang kilay ni mama kay Maggie.

"MERON, Ma!"

Sinipa ko si Maggie para pigilan ang pagsasalita niya.

"Di lang si Jacob!" Dagdag ni Maggie.

Sumimangot si Mama. "What? Sino? Dapat kasing yaman  ni Jacob!"

Umiling si Maggie at itinigil ang pagsasalita. Ibinaling ni mama ang tingin niya sakin. "Sino, Rosie?"

"Hay nako! Wala yun, ma!" Sabi ko.

"Sino?" Hindi niya talaga ako tatantanan nito.

"Ex ko. Si Callix. Pero wala na kami nun!"

Tumaas ang kilay niya.

"Callix?? Apelyido?"

"del Rosario." Sabi ko para tantanan niya na ako.

"Callix del Rosario? Hmmm."

Umiling si Maggie at tumayo. "Lika na nga Rosie, punta tayo ng Alps! Hayaan mo na si mama!"

Nabadtrip si Maggie kay mama kaya panay ang sermon niya samin ni James. Hindi sana ako sasama pero alam kong di talaga ako tatantanan ni mama sa pagtatanong tungkol kay Callix kaya napilitan akong sumama sa Alps.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon