Special Chapter

6.8K 194 25
                                    

"Bakit kasi hindi mo ipinta si Estelle?" Napaisip naman si Sac sa sinabi ni Abe. Matagal-tagal na rin naman kasi inuudyukan siya ni Estelle para sa isang portrait painting pero hindi niya kasing ugali na ipinta ang babaeng mahal niya hindi kagaya ni Abe. Ang tanging ginagawa lang niya ay nakikigaya ng mukha ng mga muse ng pinsan niya para nasa iisang theme pa rin ang mga paintings nila.

"Estelle is for me only and I don't have the intention of sharing her to the world." Seryosong sabi nito. Tumawa naman si Abe.


"The possessive Sac, kawawang Estelle. Pero pag-isipan mo. Ang pagseshare naman na gagawin mo ay iyong kagandahan niya hindi iyon mismong tao. Ang ganda ni Estelle sinasabi ko sa'yo maraming mahuhumaling sa painting niya."


"Ikaw na rin ang nagsabi. I am not doing that. Kung ipipinta ko man siya ay ibibigay ko sa kanya o kaya para sa akin at itatago ko. Hindi ko ibabalandra sa kung saan-saan gallery." Tumayo na siya sa kinauupuan at tiningnan ang plano ng unang gallery na ipapatayo nilang magpinsan. Pinakita niya ito kay Abe at kaagad naman nitong sinang-ayunan. Lagi naman ganoon si Abe, laging sumasang-ayon basta siya ang nagsabi. Hindi man pinansiyal ang suporta ni Abe pero ito ang bahala sa marketing ng gallery na ipapatayo nila. Iyon ang talento nito at magaling itong magkumbinse. "Mom's gonna curse me if she learned about this." Kinuha na niya ang mga drawing ng future gallery nila at ipinasok ulit sa loob ng lagayan nito. Siya rin kasi ang nagdisenyo ng kanilang gallery dahil isa siyang kilalang arkitekto. Kilala siya dahil sa ama niya na isa rin arkitekto kagaya niya at nagtatrabaho siya para rito.

"After the construction, Sac, you should be full time here and quit your boring job." Nagkibit balikat siya. Hindi ganoon kadali. "Ayoko ng ganyan sagot. Nagplano tayo ng isang taon tapos ganyan isasagot mo sa akin? Hoy, Isaac, man up. Hindi laging oo sa nanay mo. Tsk! Kawawang Estelle talaga. Mama's boy." Umiling-iling siya. Magaling talagang mang-asar si Abe pero sanay na siya. Si Abe kasi ang tipo ng taong easy going at hindi sineseryoso ang lahat ng bagay at hinahangaan niya ang ganitong attitude nito sa buhay. Samantalang siya, siya na ata ang pinakastringent sa lahat ng magpipinsan. Hindi naman niya maiiwasan dahil sa katayuan ng ama niya at dahil na rin panganay ito sa magkakapatid na Villegas at tila ginagawang model ang pamilya nila. Pero likas na rin naman siyang seryoso kahit anuman bagay. Kahit sa kaliit-liitan detalye ay hindi niya pinapalampas. Masasabing may pagkaperfectionist siya.

"Aalis na ako. May trabaho pa ako." Nakita niya ang pag-iling ni Abe. "Huwag mo akong igaya sa'yo na hindi productive." Freelance painter kasi ito. Nagsasideline sa pagpinta-pinta ng kung anu-ano. Wala itong definite na plano sa buhay at wala itong tinagalan na day job kahit sa kumpanya nila dahil may pagkairesponsable ito.

"See you, Mama's boy." Hindi na lang niya pinansin ito.

Naging maayos ang pagtatayo ng kanilang gallery at hindi niya inakala na ganoon magiging successful ito hanggang sa magkaroon dalawa hanggang tatlong gallery sa loob ng dalawang taon. Marami silang nakuhang kliyente na napasikat at naging kilala ang gawa dahil sa kanila at kasama na rin doon ang sarili nilang grupo na Jacob Garcia. Ito ang kauna-unahang artist na pinasikat nila na walang kaalam-alam ang ibang tao na binuo muna ng dalawang tao hanggang sa umanib sa kanila ang pinsan si Aaron.

Full time ang trabaho ni Abe sa gallery bilang marketing manager at paminsan-minsan ay artist rin. Napakagaling nitong magadvertise at magpakilala ng bago nilang artiste gayundin ang pangangalap ng bago. Samantalang si Sac ay part time general manager dahil nagtatrabaho pa rin ito sa kumpanya ng ama niya. Hindi naman maiwan nitong mag-isa si Abe dahil na rin sa likas na wala itong alam sa pamamalakad ng negosyo at kapag ginawa niya iyon ay baka nalugi na ang nabuo nilang kumpanya. Wala kasi itong natural na kontrol sa finances kaya hinding-hindi niya inaasa ang kahit anuman proseso na may kaugnayan sa pera dito. Hindi dahil sa hindi niya ito pinagkakatiwalaan pero alam niya na kasi na pabaya ito. Iniingatan niya lang ang pinaglaanan niya ng buong trust fund niya pero bukod doon gusto niyang ipagmalaki sa kanyang pamilya lalung-lalo na sa kanyang ina na kaya niyang kumawala sa anino ng ama niya at ipursue ang bagay na gustung-gusto niyang gawin at lahat ay umaayon sa plano niya ngayon at kumukuha na lang siya ng tiyempo kung kailan sasabihin ito sa pamilya niya.

Impression on the HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon