Nick's POV

 

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kay Cassie." Sinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko. 

"Pambihira kayo, kakakasal niyo lang ang dami niyo ng problema." Sabi ni Tristan. 

"Hindi ko na alam kung paano siya iintindihin. She initiated sex and after we did it she started to cry. Nagalit pa siya sakin nung tinanong ko kung bakit. Tangina! Gulong-gulo na ako." 

"Maybe it's hormones. Dude, your wife is pregnant. Normal lang sa mga buntis ang mood swings." Si Tristan.

"Or maybe hindi ako ang gusto niyang kasama. She regrets having sex with me because she wants Jerome's dick." Inis na sabi ko. 

"Really, Phoenix? Ganyan na ba talaga kakitid ang utak mo? Lahat ng ginagawa ni Cassie  ikinokonekta mo kay Jerome? You're letting your insecurity get the best of you. Ikaw siguro ang may problema kung bakit nagkakaganyan si Cassie." Umiling-iling ito.

"For fuck's sake, Tristan! Mababaliw na ako sa selos. Ano'ng mararamdaman mo kapag sinabi sa'yo ng asawa mo na mahal niya pa rin ang ex niya?" Galit na sabi ko.

"I would be very upset. Pero gagawa ako ng paraan para mahalin niya ako. I'll do everything to win her heart. Lalong lalayo ang loob sa'yo ni Cassie kung iiwasan mo siya. Silence doesn't solve anything." 

"Then what should I do?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Niligawan mo siya noon. Naging girlfriend mo siya, ikaw ang nakakaalam kung anong dapat mong gawin." 

Liligawan ko si Cassie? I'm going to court my own wife? Well, that sounds like a good idea. Maybe I'll win her back. Mababawi ko na kay Jerome ang pagmamahal ni Cassie. Ako ang unang minahal ni Cassie at ako lang ang huling mamahalin niya. Wala ng iba.

Pagkagaling ko sa trabaho dumaan ako sa flower shop. I bought a dozen of red roses. Pag-uwi ko sa bahay wala si Cassie. I tried calling her but her phone is off. Tinanong ko sa mga maid kung anong oras umalis si Cassie, sabi nila pag-alis ko pa lang ng trabaho kaninang umaga umalis na din ito. I wonder where she went. Maybe she's with Jerome. Napasandal ako sa couch. Tangina napaparanoid na naman ako. 

Bumukas ang pinto at pumasok si Cassie.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

"Nagkita kami ng kaibigan ko." Sagot nito.

"Sinong kaibigan?" 

"Si Abby." 

 

"Kapatid ni Jerome?"