Chapter 53

770K 9.8K 2.8K
                                    

 

Copyright © ScribblerMia, 2012

I woke up to the sound of my phone ringing.

I covered my face with my pillow.

Jeez. It’s a Sunday morning for God’s sake. Why are people so agitated?

My phone kept ringing, and I suddenly had the urge to throw it.

Padabog akong naupo sa kama at inabot ito sa drawer.

Nanlaki ang mga mata ko. Nagising pati ang diwa ko.

Muntik na akong mapamura nang malakas.

254 messages. 78 missed calls.

Are you kidding me?

Dali-dali kong pinuntahan ang inbox, unang binuksan ang message galing sa classmate ko sa NASC1 na si Cherry.

From Cherry:

Happy Happy Birthday, dear Astrid!

Saglit akong natigilan nang ilang segundo bago tumingin sa kalendaryo sa dingding.

Holy crap! So Sunday na? And…and birthday ko na?

Sunod-sunod kong binuksan ang messages ko. They all greeted me a happy birthday.

Nakakaiyak na ang daming nakaalala. May mga tumawag din, pero dahil tulog pa ako kanina kaya hindi ko nasagot, nagtext na lang sila. Grabe talaga. This is one of the things I love most every year. Gustong-gusto ko talagang magbasa ng mga birthday greetings. I feel loved and special kasi, e. Hehe.

Hindi pa ako nakakapag-gargle at nakakapaghilamos ng mukha pero wafakels. Magbabasa muna ako ng messages.

From Philip:

To the most beautiful woman next to me, Happy Birthday! Stay young and awesome like me. Kabugin lahat ng froglets sa earth. Win dapat lagi ang beauty natin. Pero siyempre, tandaan, ako pa rin ang nag-iisang Dyosa. Kumbaga sa cellphone ay iPhone5 ako, at ikaw ay China phone, sister. *hugs*

Napangiti ako. Gaga talaga ang bading na ito.

From Cess:

Happy Birthday, Sister! I don’t know what to say. I guess I love you is enough? I love you to bits, sis. :)

Awww. Ang sweet naman ni Cess. Kinilig ako doon ah.

From Kaye:

Maligayang Kaarawan, Kapatid! Mahal na mahal kita, alam mo ‘yan. Nawa’y pagpalain ka pa ng Poong Maykapal. Hiling ko ang iyong kaligayahan. Kampay para sa maraming taon pa ng kabonggahan sa’yo, bakla!

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon