NOW

621 25 8
                                    

Leilani woke up early, she usually wakes up around 5 in the morning, to cook breakfast for her sister before she goes to the market.

This is her routine.

At six thirty she will wake up Lana to eat and take a shower, she goes to school at seven thirty.

"Lana, gising na..ayan yong paboritong longsilog mo...bangon na.." Leilani said as she gently wakes Lana up, tapping her shoulders.

"Ate, ten minutes pa oh..please...antok pa ako..."Lana pleads as usual.

"Hindi, kasi yang ten minutes magiging fifteen, tas twenty..hindi mo alam late ka na pala..kaya bangon na.."

"Ate naman..lagi na lang ..." Lana whispered as she hesitatingly got up from her bed.

"O umayos ka na...maliligo pa ako...basta kumain ka na ha...at yong baon mong sandwich ginawa ko na rin, tsaka yong bente nasa mesa rin.."

"Oo na.." Lana loves her Ate, but sometimes masyado na itong istrikto sa kanya, alam niya protective lang itom pero kung minsan sobra na rin naman. Gaya ngayon, aba'y mas nauna pa yatang nagising si Ate Leilani nya kaysa sa mga manok.

Napatingin siya sa relo, susme, alas singko y medya pa lang eh....hayyyy sabi nya sa sarili. Ayaw naman nyang mabatukan ng Ate nya pag nagreklamo na naman sya.

Pumunta na sya sa kusina, in fairness naman, paboritong longsilog nga ang nakahain, meron pang hiniwang kamatis at orange juice.

"Ikaw Ate, kumain ka na ba?" tanong nya sa kapatid.

"Hindi pa...mamaya pagkapaligo ko.." sigaw nito sa loob ng banyo,

Maya maya narinig nya ang lagaslas ng tubig sa banyo.

Kumain na si Lana at sabay kuha ng cellphone na nasa bulsa ng kanyang pajama.

Ini-on nya ito. Walang text. Parang may inaantay naman syang ka-text eh wala naman.

Napabuntong-hininga na lang sya at mabagal na nginuya ang kakasubo pa lang piraso ng longganisa at fried rice.

Nasa first year pa lang sya sa kursong Journalism, gusto nya kasing maging sikat na mamamahayag, gaya ni Korina Sanchez.

Napangiti sya at biglang ginanahan.

Tama nga naman ang Ate nya, kung gusto nyang magtagumpay kailangan nyang magsumikap.

"O masarap ba yang almusal mo Lana.." nakangiting tanong ni Leilani sa kapatid na naka-tuwalya lang, kakalabas lang nito sa banyo.

"Siempre naman Ate, salamat ha..sorry sa pagsusungit ko sayo.."

"Sus wala yon..o sige na..magbibihis na muna ako..sabayan kitang kumain.." dagdag pa ni Leilani sabay pasok sa kuwarto niya.

Tig-isa sila ng kuwarto, maliit lang ang bahay nila pero merong dalawang silid, tamang-tama lang sa kanila.

Lumabas na uli sa kuwarto nya si Leilani, nakabihis na.

"Lana, kumusta naman ang pag-aaral mo...okay naman ba?" tanong ni Leilani sa kapatid. Nasa first semester pa lang si Lana, sa University of the East ito nag-aaral.

"Okay naman Ate..hindi naman mahirap sa ngayon..." sagot ni Lana, saka tumayo.

"O tapos ka na agad, eh may kanin ka pang natira o...o yong juice inumin mo.."

"Busog na ako Te..yang juice, mamaya na, maliligo na rin ako.."

Napabuntong-hininga na lang si Leilani, kahit kailan lagi na lang hindi inuubos ni Lana ang pagkain nito.

Kinuha nya ang sariling pinggan saka kinuha ang tirang pagkain ni Lana. Siya lagi ang taga-ubos ng pagkain nito.

Yan ang buhay ng magkapatid. Si Leilani, responsableng Ate, laging busy- sa tindahan nila ng karne sa Palengke, hindi na nakapagtapos ng pag-aaral si Leilani dahil na rin sa kailangan nyang kumita para sa kanilang dalawa. Hanggang first year high school lang ang natapos ni Leilani.

Si Lana naman, mabilis na lumaki, heto nga't dalaga na, parehong magagandang dalaga ang magkapatid. Pero sinabi ni Leilani sa kapatid na huwag munang mag-boyfriend lalo na at nag-uumpisa pa lang ito sa kolehiyo. Gusto nyang makatapos ang kapatid sa pag-aaral. Hindi gaya nya.

Continuation.....

Napabuntunghininga si Leilani, oo nga't mahirap ang buhay nila- pero pag naiisip niya na balang-araw makakatapos ng pag-aaral si Lana at magkakaroon ng pagkakataong maging maganda ang buhay- yon ang nagtutulak sa kanya an magsumikap para sa kanilang dalawa.

Hindi na bale siya, kahit na nga ba gusto niya ring mag-aral- sa ngayon tama nang si Lana na muna ang mag-aral.

Sa isip nya, pag naging matagumpay ang kapatid parang siya na rin ang naging matagumpay.

-Itutuloy-

a/n HEHE Sensya na...maiksi lang..sa susunod ulit ok?

vote, fan, comment...kita kits as usual:)

#kathniel #ashrald ftw

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yours, Mine , Ours (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon