*LAST CHAPTER 11: another goodbye*
Jhaime's POV
"Oh dahan dahan." inalalayan ko na syang makapasok sa apartment nyaoo andito na kami sa apartment nya
buti na lang at hinatid kami ni Silver
pumasok kami sa kwarto nya
inihiga ko sya
"Ugh." naaawa ako sa kanya
halata ko kasing sobrang nabugbog sya
"Teka lang, BaBhie ha? Kukunin ko lang yung first aid kit mo."
pumunta ako sa may banyo nya
tapos kinuha sa isang cabinet yung first aid kit nya
bumalik ako sa kanya
tapos inalalayan syang makasandal sa head board ng kama
lumabas ako ng kwarto tapos kumuha ng towel at bowl na malaki at nilagyan ng tubig
tapos kumuha din ako ng ice bag at nilagyan ng ice tapos dinala ko na yun lahat at nagmadaling pumasok sa kwarto
lumapit ako sa kanya tapos umupo sa tabi nya
pinunasan ko muna yung face nya ng towel na binasa ko
dahan-dahan lang
"Aww." daing nya
"Sorry. Tiisin mo muna."
nung natapos kong punasan yung face at braso nya
ginagamot ko na yung mga sugat nya sa face
dumadaing sya sa hapdi
naiiyak ako habang ginagamot sya
"*sniff*"
nakita ko na dumilat sya tapos tinignan ako
hinawakan yung kamay ko na ginagamot yung sugat sa may bandang kilay nya
tumingin ako sa kanya
habang hawak ng left hand nya yung kamay ko
yung kanan nyang kamay pinunasan naman yung mga luhang tumutulo
pasensya na
cry baby ako pero hindi ko lang mapigilan kasi nakikita ko syang nahihirapan at nasasaktan dahil sakin
"Bakit ka umiiyak?"
umiling ako
"*sob* Kasi, nasasaktan ako kasi nakikita kitang nasasaktan. Dahil sakin hindi ka sana nabugbig, kung hindi dahil sakin sana hindi ka nila nasaktan. *sob*"
"Shhh. Jhaime, kaya kong tanggapin lahat ng sakit, lahat ng bugbog, maipagtanggol at maipaglaban lang kita kaya wag mong sisihin ang sarili mo dahil ako rin naman ang pumili nito."
umiyak lang ako
"I'm sorry."
"Shhh..." niyakap nya ako
niyakap ko din sya
"I'm sorry."
bakit ba kasi ganun?
bakit kailangan ko nanaman syang iwan?
BAKIT?!
Kung kelan ok na ang lahat sa amin, tsaka ko nanaman sya isusuko
hindi ko alam kung pinaparusahan ba ako ng Diyos
hindi ko ba deserve na maging masaya?
hindi ko na alam
BINABASA MO ANG
Meet the Number's Family *Editing!*
Teen FictionThis story is under editing process. I wrote this when I was 14 or 15 years old so forgive my "kajejehang" type of writing and plot. Thank you. READ AT YOUR OWN RISK. lol You have been warned.