Chapter Thirty Four

815K 19.6K 2.3K
                                    


 "AND I GUESS it's just the woman in you that brings out the man in me. I know i can't help myself.. You're all in the world to me.."

Nagising si Kira nang umagang 'yon sa boses ng lalaking kumakanta. It was five-thirty in the morning. Ang aga naman mambulabog ng kung sino mang kumakanta na 'yon. It took seconds before she realized it was Callan's voice.

And damn, she couldn't believe it. Kung narinig niya ang boses nito, ibig sabihin naroon lang ito sa bahay niya!

Mabilis na bumaba siya sa kama niya at nagtungo sa kusina. She was right. He was there and he's preparing for their breakfast. Wala itong saplot pang-itaas at kaswal na boxers lang nito ang takip sa katawan. And goodness, his body looks so f-cking delicious. Hunky and healthy. Likod pa lang nito ang nasisilayan niya pero parang matutuyo na ang lalamunan niya sa sunod-sunod na paglunok.

Legal pa ba ang ganitong kakisig na pulis sa Pilipinas? Sa sobrang kakisigan nito, hindi kaya dumami ang babae na willing na gumagawa ng krimen mahuli lamang nito?

She shook her head. She must be out of her mind. Bakit pati mga ganoong bagay ay naiisip niya?

 Tila hindi siya napapansin ni Callan at patuloy ito sa pagkanta. "It feels like a first time.. It's feel a very first time.. Ohh.." Hindi niya mapigilan mamangha. In all fairness, maganda ang boses ng binata.


 "You didn't tell me you can sing."


 Mula sa pagpiprito nito ng hotdog ay napalingon ito sa kinatatayuan niya. Napangiti agad ito nang makita siya. "Gising ka na pala." Iniwanan nito ang ginagawa at mabilis ang hakbang na lumapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Good morning, hon. Mukhang masarap ang tulog mo, ah?"

 Napakunot-noo siya. "Kanina ka pa ba dito?"

 Napansin niya ang pangingitim ng gilid ng mata nito, tila ilang gabing hindi nakatulog. Ngunit hindi tulad ng ibang mukhang zombie kapag puyat, Callan still looked so handsome.

Life is so unfair.

 "Yes. Mga alas-kuwatro nandito na ako. Dahil mahimbing pa naman ang tulog mo kanina, nag-exercise lang ako saglit at pagkatapos ay naghanda na para sa almusal natin."

 "I see." Nilapitan niya ang niluluto nito at pinatay na ang apoy. "Pero sana hinayaan mo na lang na ako ang gumawa nito."

 "Bakit naman?"

 Hinarap niya ito at hinaplos ang pisngi nito. Nakangiti ito pero nakikita niya ang pagod sa mga mata nito. "You should sleep first."

 "No, it's okay, hon. Kaya ko naman at di ako inaantok."

 She almost rolled her eyes at him. "Lokohin mo ang lelong mong panot! Kahit hindi mo sabihin sa akin wala ka pang maayos na tulog. I know you're busy at work. Sino ba'ng hindi? We are all busy when it comes to work. But you don't need to kill yourself. Kaya nga ginawa ang gabi para magkaroon ng pahinga ang mga tao mula sa trabaho nila at para mabigyan din nila ng oras ang kani-kanilang mga sarili."

Pinisil niya ang pisngi nito at ngumisi. "Alam kong magkakulay ang mga mata niyo ni Superman, but i would like to remind you that you're not him. You might be gorgeous and hot, but still you're not Superman."

 Napaawang ang mga labi ni Callan. Napakagat labi naman siya. Kahit nag-aalala na siya dito, hindi pa rin niya maiwasang maisingit ang pagpuri niya dito kahit hindi naman dapat maisali 'yon.

 Slowly, his face broke into a sexy, naughty grin. "You think i'm gorgeous and hot?"

 Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi. Inirapan niya ang binata. "Jerk," she muttered. "Kumain na nga lang tayo." Tinalikuran na niya ito at nag-simula ng maghain bago pa ito makapang-asar.

Owning Her Innocence (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon