Chapter 5

17.2K 268 19
                                    

Chapter 5
Shem's POV

"Amasonang puti, dito pa may kalat." Pang-aasar ko kay Rina.

"Isa pang amasonang puti." Banta niya pero hindi tumitingin sa akin.

"Amasonang puti." Nakakalokong sabi ko. I snickered as she stared daggers at me.

Medyo magkasundo kami ng kaunti ni Asherina. Kaunti lang. More on like, lagi ko siyang kinukulit. Well, para lang naman 'to sa pustahan kaya ako nakikipaglapit sa kaniya, wala ng iba pa.

Napahawak ako sa dibdib ko. Fuck! Ang bilis na naman. Pero baka may sakit lang ako. Ash syndrome. I snorted at my thoughts.

"Umalis ka na kasi d'yan. Di ka naman tumutulong, e." Sabi niya.

Sumunod ako sa utos niya pero sinundan ko likod niya.

"Huwag mo nga kong sundan..."

"Sungit mong amasonang puti ka.. meron ka ba—OUCH!" Napasapo ako sa paa. Shit! Inapakan ba naman ako sa paa!

"Isa pa!"

"Amasona—"

"Isa pang amasona, makakatikim ka sa akin ng suntok!"

"Isa pang pananakit, makakatikim ka ng halik ko." Banta ko habang ngumunguso.

"Sige ngumuso ka lang, nagmumukha kang hito" inirapan niya ako pagkatapos ay nagtungo doon sa locker na lagayn ng mga panlinis. Sinubukan niyang buksan 'yon pero ayaw. "Ayaw mabuksan?"

I snorted. Lumapit ako sa likuran niya at tinignan ang ginagawa niyang pamimilit na buksan 'yon. "Pihitin mong maigi. Nagloloko 'yang locker na 'yan."

Minsan kasi naglolock iyon o kaya minsan ay okay naman. Minsan nabubuksan na lang bigla kapag di sinasadyang buksan o madali.

Nabuksan niya naman ng pihitin niya 'yon ng maigi. Nagpapalatak naman ako, iba talaga lakas ng babaeng 'to, parang sa mga lalaki.

Nang mailagay niya na ang tambo at pandakot sa locker ay humarap siya sa akin. Bahagya siyang nagulat at nang makabawi sa pagkagulat ay pinaningkitan ako ng mga mata. "Excuse."

"Ayaw." Kaswal na sabi ko, pinamulsa ko pa ang dalawang kamay ko.

"Gusto mo bang masipa?"

"Gusto ko ng kiss." Ngumuso ako.

"Parang tanga! Padaan na kasi..." tapos tinulak tulak niya pa ang matipuno kong dibdib.

May biglang nagtapik ng balikat ko kasunod niyon ay ang boses ni Akie, "P're."

Babalingan ko sana si Akie kaso bigla niya akong tinulak. Na-out of balance ako kaya dumire-diretso kami ni Ash sa locker. Sumubsob ako sa kaniya sa loob. Kasunod niyon ay nakarinig ako ng pabalabag na sara.

Nanlaki ang mga mata ko at agad na dinaluhungan ang pinto ng locker. Sinubukan kong buksan 'yon pero hindi ko mabuksan.

"Tangina! Hoy! Buksan niyo 'to!" Puta. Ang baho kaya dito, amoy ipis!

"Hey! Pag-ako nakalabas dito... lagot kayo sa akin!" Banta ni Asherina.

Humalakhak lang si Akie mula sa kabila. "Maglabing labing na lang kayo d'yan, mga love birds!"

"Gago ka, Akie!" Nanggigil na sabi ko habang pinupukpok ang pinto. "Buksan mo 'to kung gusto mo pang mabuhay."

"Thank me later, boss. Goodbye! Tara na Mario!"

"Son of a bitch!" Ang lutong ng mura ni Asherina, kung hindi lang mabaho dito baka matawa na ako."

"Paano tayo niyan makalabas?!" I spat angrily.

Secret Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon