Chapter 3 *Mr. Ice*

1.5M 24.2K 8.8K
                                    

A/N: Ice, Kite and Rika's imaginary characters picture on the side :) -->>

***

Chapter 3

*Mr. Ice*

 

[Timi's POV]

"Aaaaahhh nakakainis! Nakakainis talaga! Hindi ko to matanggap! Waaaaaaaaaaahhh!" sabi ko habang gigil na gigil kong pinag tatatambol ang drumset ni Jasper "dinedma niya ang beauty ko?! Waaaaaaaaaah!!! This is a nightmare! This is indeed a nightmare!!!!"

 

"hoy Timi akin na nga yan!" sabi ni Jasper sabay agaw saakin ng hawak hawak kong drumstick "wag mong pag buhusan ng galit ang drum ko! Mamaya maputol pa tong drumstick eh!" =__=

Lumapit naman saakin si Geo at inakbayan ako "hay naku Timi don't mind Ice. Ganun naman talaga yun eh, hindi namamansin, isnabero, cold... kaya wag ka na magpaapekto sa kanya okay?"

 

"tama! Tama!" pag sangayon naman ni Ayen "baka bakla yun kaya dinedma ka niya!"

I pout "sayang naman kung bakla siya. Ang hot kaya niya" =__=

"sus! Madami na talagang naglipanang baklang gwapo sa paligid no" sabi naman ni William "endangered na kaming mga gwapong straight.."

"teka sino nagsabing kabilang ka sa mga gwapong straight?" sabat naman ni Jasper kay William "straight ka lang bro pero hindi ka gwapo! HAHAHAHAHAHA"

"pakyu bro! wag kang mainsecure sa kagwapuhan ko!" sabi naman ni William

"hoy hindi ako maiinsecure sa kagwapuhan mo dahil alam kong mas gwapo ako! Ang dami kayang nagkakandarapang chiks saakin.."

"hoy ka rin! Madami din naman ang nahuhumaling saakin! Sadyang isa lang ang mahal ko no!"

 

"ang mahal mong hindi ka pinapansin" sabi naman ni Geo

"wawa ka naman Wil, laslas ka na" sabi ni Ayen sa kanya habang nakatingin kay William na parang awang-awa

 

"heh! Magsitigil nga kayo! Pag ako talaga sinagot ni Erin di ko na kayo papansinin" =__=

Tinapik ko ang balikat ni William "okay lang yan.. libreng mangarap"

Nagtawanan naman kaming lahat.

Hay mga sira-ulo talaga tong mga bestplen ko. Mga isip bata. Parang hindi mga 17 years old kung umasta eh.

Opo 17 years old na ang karamihan saamin. Si William at Geo naman ay 18 years old. Pero bakit Highschoolers pa lang kami? 6 years ago, naging international school na kasi itong Prince Academy kaya naman ang sinusundan na naming curriculum ay tulad ng nasa ibang bansa --- which is, mas mahaba ang ginugugol naming taon sa elementary at highschool compare sa normal curriculum dito sa Pilipinas. Bukod sa pang elite school ang Prince Academy, madami naring ibang lahi ang nag-aaral dito, parang si Jasper Yu lang. Half Japanese-half Korean ang Tatay samantalang pure Filipina naman ang nanay. In short, tatlo ang lahi niya. Sosyal di ba? Kaya siguro abnormal siya. ^__^

Another example ay ako. Half tao, half Dyosa kaya naman pinagkakaguluhan ang kagandahan ko dito.

Well, except doon sa lalaking yelo na yun =__=

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon